HINDI na nag-aksaya pa ng oras si Rael. Mula sa kanilang quarter, nagtungo siya sa pangalawang palapag ng mansiyon hanggang sa marating niya ang silid ni Dahlia. Walang pag-aalinlangan siyang kumatok sa pinto nito at hinintay itong buksan ang pintuan. Hindi siya ang tipo ng lalaki na basta-bastang pumapasok sa isang relasiyon kahit tipo pa niya ang babae, pero may nararamdaman siya para kay Dahlia na kahit ang sarili niya ay hindi kayang matukoy kung ano iyon. Hindi siya sigurado pero nakahanda siyang sumugal para makuha ang kasagutan sa tanong niya. Nagising siya mula sa malalim na pag-iisip nang bumukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang namumulang si Dahlia. Agad siyang natigilan nang makita na maging ang mga mata nito ay namumula rin at namamasa pa. "Ano'ng nangyari sa iyo?" Gul