Nang sumapit ang eksaktong alas-tres ng hapon nang wala pa ito, mariin siyang lumunok bago dinampot at binuhat ang kahon. May panghihinayang mang mababakas sa mukha niya, nirerespeto niya ang desisiyon ng dalaga. Ayaw niyang pilitin itong pumasok sa isang bagay na hindi bukal sa kalooban nito. Ang ipinagtataka lang niya, bakit pa siya uutusan ng don na ligawan ang anak nito kung hindi rin lang ito sigurado na papayag si Dahlia. Sandali niyang pinaglandas ang tingin sa buong hardin. Oras na pinalitan na siya ni Sanchez bilang personal bodyguard ng babae, sa tingin niya, hindi na siya madalas na makapupunta roon. Humakbang siya at palabas na sana ng garden nang biglang matigilan sa nakitang tumatakbo na dalaga. Papalapit na ito sa kaniya nang bigla ring matigilan nang makita siya. Humahan