KATULAD ng nangyari noon, matapos nilang tumawid sa mataas na bakod, hawak-kamay nilang pinasok ni Dahlia ang kakahuyan upang marating ang kabilang dulo. Doon ay may naghihintayin nang taxi sa kanila. Lulan pa lamang ng sasakyan, excited nang nagkuwento si Dahlia kung saan nito gustong pumunta. Sa laki ng ngiti nito at sa taas ng enerhiya, pati tuloy siya ay nahawa sa kasiyahan nito nang sabihin ng dalaga na gusto nitong pumunta sa amusement park pagkatapos nilang maglibot sa mga mall. "The last time we went to the amusement park, was the day when my mama got killed. I never wanted to remember her death again, that's why I avoided going to any amusement parks in the country." Sandali itong tumigil sa pagkukuwento bago binuksan ang bintana ng taxi sa gawi nito. Pumasok ang malamig na ihi