Chapter Thirty-two

1287 Words

NAG-ANGAT ng noo si Rael nang marinig ang pagbabanta ng dating nobya. Matagal niya itong tinitigan nang mata sa mata. Nakikita niya ang galit sa mga iyon, ngunit may bahid rin ng kalungkutan. "Gawin mo," tila naghahamon niyang saad. Nagugulumihanan namang umiling ang babae. Para bang hindi ito makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. "Iyong ilang taon nating pinagsamahan, nagawa mong kalimutan sa loob ng tatlong buwan." Humugot ito ng hangin at pigil ang mga luhang binaling ang mukha sa malayo upang hindi niya makita sa mga mata nito na nasasaktan ito Sa pagkakataong iyon, sa halip na maawa, inis ang tanging naramdaman niya. "Ginagago mo ba ako, Paislee?" Muli niyang nakuha ang atensiyon nito nang sabihin niya ang bagay na iyon. Kunot-noo naman siya nitong tinitigan. "I

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD