Chapter 4

710 Words
Chapter 4: Flirt { YAMI's POV } Grabe. Sobrang nakakahiya 'yung nangyare kanina. Bago pa lang lipat sa klase namin 'yung tatlong 'yun at kaya sila nakalipat ay dahil 'yung lalakeng sumalo sa'kin ay ang may-ari ng school na 'to. Oo! Ako na walang alam. Ako lang pala ang hindi nakakakilala sa kanila sa buong university na 'to. Sobra pala nilang sikat. Pero hindi ko parin maintindihan kung bakit ganoon kasama ang tingin ng mga babae sa akin sa corridor kanina? Wala naman akong ginawa ah? Kamalas-malasan ko pa at sa tabi ko naupo si Walter. Yung may-ari ng school/sumalo sakin kanina. Sinadya nya ba 'yun? Parang kasi eh. Siguro gusto nya lang ako ipahiya sa mga kaklase ko kaya ganun. Pero bakit naman sobrang kinikilig yung nga kaklase ko? Naguguluhan ako. Unang una, ngayon lang ako napansin ng ganito. Pangalawa, bakit parang may pake na sila sakin, though yung iba ay parang gusto akong patayin dahil sa hindi ko malaman na dahilan. May nakakapansin na sakin. Pangatlo, ang isang gwapong kagaya ni Walter Ford ay nilandi ako kanina. Oo, nilandi! Baby pa sya dyan! Huh! If I know, patritripan lang nila ako kaya hindi ko na lang sila papansinin. Hindi ko nga sila pinapansin simula kanina eh. Pero may mga kakaibang nangyare sakin kanina. Parang nakuryente akon nang hinawakan nya ako papunta sa upuan ko? At ako naman si tanga. Walang ginawa at nagpaubaya lang. Eh sa na-shock ako eh. Nagulat talaga ako. Pati yung dalawa nyang bestfriend may mga binubulong sa kanya kanina. Ayoko ng ganitong feeling. Bakit ba kasi nila ako napansin? Ayokong may nakakapansin sakin. Nakakainis kasi yung pumatid sakin eh! Ayan tuloy! Natisod ako at muntik ng mahulog at buti na lang ay nasapo ako ni Walter. Pero argh! Bat ba hindi maalis sa utak ko yung sinabi nya? Shet! Concentrate Yami. Pinagtritripan ka lang nila kanina. Wag kang ano. Nagtawag pa talaga sila ng audience sa labas ha? Sure naman na pakana din nila 'yun. O baka naman gusto lang nilang panoorin sina Walter dahil mga sikat ang mga ito at mga gwapo. Siguro 'yun nga. Wag ko ng isipin 'yun. Isipin ko na lang na walang nangyare. At wait! Oo nga pala! Bakit sila lumipat sa section namin? Oops. Wag ka ng mag-isip ng kung ano-ano Yami. Makinig ka na lang. Nag-bell na ang klase at naglabasan na kaagas ang mga kaklase ko. Lunch time. Napansin kong hindi pa nagsisilabasan yung tatlo kaya naghadali na akong ayusin yung mga gamit ko at lalabas na sana ng may humawak sa braso ko. "Ooops. Saan ka pupunta?" Shet! Yung boses nya! Ang hot! No! Erase! Hindi yun hot! Inis kong inalis yung kamay nya sa braso ko. Napansin kong nanonood lang saming dalawa yung dalawa nya pang kaibigan. Ano bang problema ng mga 'to at ako pa ang nagawang pagtripan? "Pwede ba! Kakain pa ako at magbabasa ng libro kaya bitiwan mo ako." Malamig kong sabi. Ayokong magpakita ng emosyon sa kanya. Sa kanila. Gusto kong lubayan na nila ako. Ayoko ng mapansin ng iba. Napa-'oh' naman yung dalawa nyang kasama kaya inirapan ko yung mga 'yun. Ngumisi naman sya sakin na naging dahilan ng pagkanog ng puso ko. Shet! What was that? Ano yung tumutunog na 'yun? Bakit ang lakas? "Yami, baby, I like you. I really like you. Unang kita ko pa lang sa'yo nagustuhan na kaagad kita. At kung papahintulutan mo akong ligawan ka, I will." Literal na nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi nya. Ano? "Pwede ba. Wala akong time sa mga arte mong 'yan! Tigilan mo na ako at wag mo na akong kausapin. Kanina pa kayong umaga ha? Wala namang nakakapansin sakin sa school na 'to pero kayo? Bakit nyo ba ako ginugulo?" Inis akong tumalikod sa kanila at maglalakad na sanang muli ng magsalita pa sya ulit. Obvious naman na niloloko lang nila ko! Ghad! Ano bang problema nila? "Baby, hindi ka namin ginugulo. Gusto talaga kita. Gustong gusto." He paused for awhile. Hindi ako makapagsalita dahil sa mga mabibilis niyang salita. Hinawakan niya ako sa dalawang kamay at iniharap sa kaniya. "And besides, alam naman na nilang lahat na we were dating. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, liligawan pa din kita." Slap me, now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD