Chapter 5

542 Words
Chapter 5: Cry { YAMI's POV } "WHAT?!" Sigaw ko sa kanya ng napakalakas. Napatakip naman sya sa tenga nya pati yung dalawang kaibigan nya at napangiwi. But hell! Wala akong pakealam! Anong sinasabi nya ha? "Bawiin mo yang sinabi mo! Anong nagde-date ka dyan?! Wag ka ngang magbiro ng ganyan! Kung wala kang matinong magawa! Mag bigti ka na lang! Bwisit!" Wala na akong pake-alam kung sya pa ang may-ari ng school na 'to. Bahala na sa pwedeng mangyare basta sisigawan ko sya. "Easy babe, I'm sorry to say to you but, nasabi ko na. Na-announce ko na sa lahat na nagde-date na tayo at malapit mo na akong sagutin kaya wala ka ng magagawa." Ngumisi syang muli sakin. Ano..? Na-announce na nya sa lahat? Kaya ba ganoon na lang ang nangyare kaninang umaga? Kaya ba ganoon na lang kasama yung tingin ng mga babae sakin? No! Baka pati si Jamie ay malaman ang tungkol sa kasinungalingan ng lalaking 'to! Para naman akong nanghina. Alam kong hindi naman nya ako guato at nantritrip lang sya pero bakit pa sya nagsabi ng ganun sa lahat?! "Bakit ako pa ang pinagtritripan nyo ha?! Ang dami-daming babae dyan ang nagkakandarapa sa inyo kaya bakit ako ha?! Please, nakikiusap ako. Bawiin mo yung sinabi mo sa kanila. Sabihin mong joke lang 'yun. Hindi ako naniniwala sa'yo na gusto mo ako kaya wag mo na akong lokohin! Iba na lang ang pagtripan nyo please." Naramdaman kong bigla na lang tumulo ang mga luha ko sa mata. Hindi ko gusto ito. Hindi ito pwede. Hindi ko kaya na mapansin ng marami. Ayoko. Biglang nagbago ang kanyang expresyon. Bigla itong lumambot at may halong pagkagulat. Pati yung dalawa nyang kaibigan na kanina pa nanonood samin ay mahahalata mo ring mga nagulat. "Wait...shit! Why are you crying?! s**t! I'm sorry if--" hindi ko na sya pintapos sa pagsasalita nya dahil tumakbo na ako papalabas ng room ng umiiyak. Bakit ba nila ako pinagtritripan? Eto ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Ang may makapansin sakin sa campus. Ayokong mabully. Natatakot ako. Kaya nga okay na sakin ang maging invisible pero wala na. Nakilala na ako ng lahat. At kagagawan 'yun ng lalakeng 'yun! I hate him! Porke' ba nerd ako at walang kaibigan ay pagtritripan na nila ako? Ayoko sa lahat ay ang taong manloloko! Ayoko sa mga sinungaling! Dahil naalal ko lang ang mga panlolokong ginawa ni papa sa mama ko! Oo pinatawad ko na sya pero hindi parin mawawala ang galit ko sa mga taong kagaya nyang manloloko. Pinatawad ko lang sya bilang isang ama ko. Ang daming ibang babae dyan kaya bakit ako? Masyado silang halata. Halatang niloloko lang ako. Oo masamang mang-judge pero masisisi nyo ba ako? Ayokong masaktan....natatakot ako. Hindi ako sanay na maniwala kaagad ng ganun-ganun lang sa isang tao. Hindi. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa isang park. Nakakita ako ng mga barang naglalaro at bigla ko tuloy naisip na parang ang saya saya bumalik sa pagkabata at maglaro ulit. Bumili ako ng icecream bago magpunta ng bench at umupo. May klase pa pala ako pero parang ayaw ko ng pumasok. First time kong mag-cutting at dahil iyon sa mga lalaking iyon. Kapag ba naniwala ako sa kanila...hindi ako masasaktan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD