Chapter 30: Night Party Yami's Point of View LUMIPAS ang mga araw at tuloy padin ang pag-iwas ko kay Walter. At sa mga nagdaan ding iyon. Madami pa ang nagbago. Hindi ko na nakikita pang magkasama sila Stacey at Walter. Nakikita ko na lang na si Stacey ang pilit lumalapit kay Walter ngunit pinagtatabuyan sya nito. Dapat ba akong matuwa? Dapat ba akong maging masaya dahil hindi na sila? Naalala ko nanaman 'yung sinabi ni Clint. Naghihintay si Walter. At wala akong kasiguraduhan kung hanggang kailan. "Okay class, alam nyo naman siguro na nalalapit na ang night party natin? Sa isang linggo na ito magaganap at lahat kayo ay kasali dito. Magkakaroon din ng night king and queen kaya dapat bonggahan niyo ang inyong susuotin." Napatingin ako kay prof ng magsakita sya ulit. Biglang nag-inga