Chapter 31: Transform Yami's Point of View "MAGANDA, diba?" "Oo." "Ano? Eto na susuotin mo?" Kasalukuyan kaming nagtitingin-tingin ni Jamie sa isang sikat na mall ng mga dress para sa susuotin namin sa gaganapin na night party. Mamaya na. Mayroon na akong mga credit cards at bank accounts kaya hindi na ako nahihirapan pa sa pera. Tinutulongan ko na din sila tita para makapagtayo kami ng negosyo. Inalok nga pala ako ni Nyle na kung sakali, doon na lang ako sa mansion tumira pero tumanggi ako, tiyaka na siguro kapag bakasyon. Kinuha ko kay Jamie 'yung pink na dress na kinuha nya. Maganda ang itsura nito at sigurado naman akong babagay ito sa akin. "Susukat ko lang 'to. Maghanap ka na din ng iyo." Ani ko at nagpunta sa dressing room at isinukat ang magandang na