Chapter 24: Bitch Yami's Point of View Kinabukasan SABAY kaming pumasok ni Jamie sa gate ng Ford University. At sabay sabay ding napatingin sa lugar namin ang mga tao sa loob. "Si Yami oh!" "Yeah, pity her! Ginamit lang pala ni Prince Walter!" "Pero mas bet ko talaga sila ni Prince Walter! Ayoko kay Stacey!" "Yup. Ayoko din kay Stacey eh. Matapos iwan ang prince natin tapos babalik?" "Pero diba nanliligaw si Prince Walter kay Yami? Eh bakit sila na daw ulit ni Stacey?" Napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga naririnig ko. "Yami, don't mind them. Hatid na kita sa classroom niyo." Bulong ni Jamie sa akin at hinawakan ako sa kamay bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Pero ilang hakbang pa lang namin ay may dalawang rebulto na ng tao kaming nakitang papalapit sa amin