Chapter 25: Brother YAMI's Point of View Hindi talaga ako nakagalaw sa pwesto ko. Ang mga malalamig na titig ni Walter sa akin at masamang titig naman kay Nyle. Anong ginagawa niya dito? Diba kasama niya si Stacey? Tsk. Di ko na lang siya pinansin at hinatak si Nyle para lumabas ng pinto. Pero bago pa man ako makalabas ay may humawak ng kamay sa aking braso ko na siyang nakapagpatigil sa akin. "We will talk." Matigas na sabi nito at kahit hindi ko siya lingungin ay ramdam ko siya ang may hawak sa braso ko. We will talk? Ano namang pag-uusapan namin? "Wala tayong dapat pag-usapan." Malamig na sabi ko at hinatak ko sa kanya 'yung braso ko at tuluyan ng lumabas ng pinto kasama si Nyle. "Damn it." Narinig ko pa ang iilang mura niya bago kami tuluyang makalayo doon ni Nyle. Ang