Chapter 13: Love

884 Words
Chapter 13: Love Jeila's POV "Kaibigan ko na si Celestine---" "Wala akong pakialam," putol ko sa kaniya. Natawa naman siya at nang marealize kong nasa harap na kami ng room ko ay pumasok ako ng hindi nagpaalam sa kaniya. Bakit boyfriend ko ba siya? Pagkapasok ko ay nakita ko na sila Rina at Zel na nakaupo sa kaniya kaniyang upuan nila. Nakangising aso sila pero hindi ko sila pinansin, malas ko lang dahil napapagitnaan nila ako. "Yan ang hirap sa one sided love, eh. Habang siya masayang kasama ang gusto niya, ikaw naman dinadamayan ang sarili at puso mong nagluluksa," sabi sa'kin ni Rina at sinamaan ko naman siya ng tingin. "Love is like plant, you can't live without it." banat naman ni Zel at siya naman ang tinitignan ko. "Plants give oxygen right?" pagtatanong niya pa. "Pero ang halaman nalalanta, namamatay at napapalitan ng iba." seryoso kong sabi at hindi na sila nagsalita pa. Maya maya lang din ay pumasok na ang teacher namin sa loob, kagaya nung naunang klase ko nagpakilala ako. Ako lang mag isa dahil wala ako nong first day ko. "Para sa inyo, ano nga ba ang kahulugan ng salitang 'traydor'?" pagtatanong niya sa'min. Akala ko ba kakaiba ang way nila ng pagtuturo? Okay, naalala ko na sinabi nga pala sa'kin ni Mr. Zeon na may logic class akong papasukan at mukhang ito na 'yon. Sususnod kong klase ay sa room 107, the room where I'm abducted by someone. "Anyone? Yes, Ms. Rios?" tawag niya kay Rina kaya tumingin ako rito. Napansin kong seryoso ang mukha niya nang tumayo. "What is traitor for you?" "Walang kwenta," seryosong ani niya at tumingin naman kaming lahat sa kaniya. "Paano mo nasabing walang kwenta?" nakangiting tanong ng propesor. "Dahil sila yung mga taong ginawan mo na nga ng mabuti, gagagu---" "Watch your words Ms. Rios, kahit isa itong Mafia School sa klase ko ay dapat pa rin itong ginagalang," pigil sa kaniya nito. "Sorry sir," "Apology accepted, continue." "Para sa'kin ang tradydor ay mga walang kwenta, bakit? Dahil sila yung mga taong ginawan mo na ng maganda niloko ka pa, as simple as that sir," "Okay, take your seat," Nagpatuloy ang klase pero hindi pa rin naalis ang tingin ko kay Rina, para kasing ang lalim ng pinanghuhugutan niya. ----- Next class, training room. "Aww magkakahiwalay tayo ng room," malungkot na sabi ni Rina. "Oks lang 'yan, parang hindi naman tayo magkikita," pang aalo ni Zel sa kaniya. "Wait lang," paalam ko nang maramdaman kong tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Jefrey sa screen pero ang name niya dito ay "honey ko", walang malisya. Para kapag may nakatingin sa cellphone ko iisipin nilang syota ko kausap ko. Naglakad ako palayo sa dalawa, pero malas ko lang dahil nakasalubong ko si Yasser, alone. "Oh bakit nandito ka?" tanong niya pero hindi ko siya pinansin. Tinignan ko ang cellphone ko ulit pero hindi ko alam na nakikitingin pala ang isang 'to. "Honey ko? I didn't know that yo have a--" "Hello, Jef?" sagot ko sa telepono at hindi na pinansin si Yasser, bahala siyang makinig. "Boss, nasa'kin na po lahat," Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Good, now meet me." "Sige po boss, text ko nalang po kayo," "Alright, bye and take care." paalam ko saka pinatay ang cellphone. Paglingon ko ay hindi na ako nagulat nang makita si Yasser na masama na ang tingin sa'kin. "Oh? Ba't nandito ka pa?" kunwaring pagtatanong ko sa kaniya. "Who's that freaking guy named Jefrey?" tanong niya at nagsalubong naman ang kilay ko. "How did you know---" "Instinct." sabat niya at sinamaan ko lang siya ng tingin. "Sige na may klase pa 'ko," saka ko siya tinalikuran. Training Room. Kanina pa kami dito, natanggap ko na rin ang text ni Jef pero hindi lang ako makaalis dahil sa hinayupak na 'to.  Kada magpapaalam ako sa professor ko ay palagi siyang may komento, nakakabanas ang pota. Hindi ko nga alam kung anong ginagawa niyang dito, hindi naman siya belong. "Punch this hard, everyone go!" sigaw ng propesor sa'min kaya naman sinuntok ko ng malakas ang punching bag at kitang kita ang pag sway nito sa hangin. "Woaah!" "Ang lakas niya!" "May pinaghuhugutan!" Mga kantiyawan nila pero wala akong pinansin maski isa. Akala ko one on one ang pagtuturo sa'kin pero hindi pala. Madalas ko na ring marinig ang name ko sa mga estudiyante dito, I mean sa mga oldies dito. "Easy there, babe. Don't be too harsh," nakangising bulong sa'kin ni Yasser na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala. "Shut up and don't call me babe for pete's sake." mariin kong bulong sa kaniya. "Oh," "Mananahimik ka ba o sasdapakin kita?" naghahamong tanong ko at saka pinagpatuloy ang pagsuntok sa punching bag pero may isang bright idea ang naisip ko para makaalis dito. Nang walang anu ano'y sinuntok ko ng napakalas ang punching bag nag sway ito na parang duyan, hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinintay ang pagtama ng punching bag sa'kin. Dapat masaktan ako para mapilitan ang prof namin na palabasin ako. "Awwww!" walang halong arteng daing ko, ramdam ko naman ang atensiyon ng lahat sa'kin. "She's bleeding!" sigaw ng isa at ito naman ang hindi ko inaasahan. Tang*na, pre. Punching bag! Wala sa usapan 'to! "Get her in the clinic! Faster!" sigaw nung prof at ngiting tagumpay naman ako. Pero bago ako makalabasa ay naispotan ko ang pinaghihinalaan kong traydor. Nakatingin siya sa'kin pero hindi ako napapahalata na nakatingin ako sa kaniya. 'Maghintay ka lang dahil ibubunyag kita sa kanila..' "You're stupid.." rinig kong bulong sa'kin ni Yasser, siya pala ang bumuhat sa'kin. "P-psh!" pilit kong singahl sa kaniya. "...but I love your stupidity,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD