Chapter 14: Information

1009 Words
Chapter 14: Information  Jeila's POV "Kaya ba pinapasabay mo akong maglunch sa'yo noon?" tanong ko kay Yasser. Aalis na sana ako kanina pero pinatigil ako ng sinabi niya sa'kin. "Oo, pero sadyang may sayad ka kaya hindi ka nakinig," nambuburaot na sabi niya at umirap naman ako. "Simula nung araw na magkakilala tayong tatlo, nagbanta na sila na idadamay ka. Tinanong namin kung bakit pero wala silang isinasagot. Siguro may connection ka sa kanila.....maybe it's personal," saglit akong napatigil. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog na naman 'yon. "Damn!" sigaw ko at saka tumayo sa bed ng clinic at akmang lalabas pero kaagad akong nahablot ni Yasser. "Where are you going?" "I-it's important! I need to go!" sigaw ko at kahit may benda sa ulo ay lumabas ako ng cilinic. Pero nang maalala kong hindi pala basta bastang nakakalabas ng University ay bumalik ako sa clinic. Pagpasok ko ay kaagad kong hinawakan ang kamay ni Yasser at hinila siya palabas ng clinic. Nagulat siya pero no choice ako ngayon, eh. Gipit na rin kasi ako sa oras para hanapin pa si Zaylee. Chickboy din, eh. "Sasama ka sa'kin," maikling tugon ko habang tinutunton nag office ni Mr. Zeon. "Saan?--- Ahh! Magkikita kayo ng boyfriend mo at kailangang niyo ng look out?" he sarcstically said. Umirap nalang ako kahit hindi nakaharap sa kaniya. Kaagad kong binuksan ang pinto ng office at hindi na nag abala pang kumatok. I'm not into manners. Tss. "Jeila? and....Yasser?"kahit gulat ay tanong sa'min ni Mr. Zeon. Lumapit ako at binitawan ang kamay ni Yasser na hawak ko. "Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Mr. Zeon, kailangan kong lumabas ng University," seryoso kong sabi at nakuha naman niya 'yon. Without hesitation ay hinila ko ulit si Yasser palabas ng office at pumunta sa parking lot. "Yung akin o yung iyo?" tanong ko habang lumilinga linga sa paligid. 'Saan ko ba pinalagay ang sasakyan ko?' Tanong ko sa isip ko. Nang hindi siya sumagot ay tinignan ko siya at ganon na lamang ang pagtataka ko nang makita ang labis na pagngisi niya. "Anong tinatawa tawa mo diyan?" tanong ko. "Wala," sagot niya pero alam kong meron, but I don't have time for that. This isn't a joke, this game will judge my life...our lives. Nang hindi na siya magreklamo ay lumapit ako sa sasakyan ko nang makita ko ito. Pumasok ako kaagad sa drivers seat at hindi na siya pinagbuksan, babae ba siya? Sumakay na rin siya kinalaunan. Hindi kamin nag uusap at tahimik lang naming tinatahak ang daan palabas ng University. Syempre nadaanan rin namin ang mapunong parte papasok sa Caldwell, Nang mag ring ang cellphone ko ay tinignan ko ito at sinagot. "Hello, Jef?" sagot ko nang hindi nakatingin sa cellphone kung hindi sa daan. "Boss, nasa'kin na." tugon niya at mas lumawak naman ang ngisi sa labi ko. Ramdam ko ang tingin ni Yasser pero wala akong panahon para lumingon at magpaliwanag sa kaniya. "Papunta na'ko, just wait for me and by the way, Jef.....I love the way you do your job. Congrats," nakangisi kong sabi sa kaniya. "T-thank you po, Boss." "Alright, wait for me we're coming in a minute," "Sige po," aniya at pinatay ko na ang cellphone. Hindi ko pa rin nililingon si Yasser bagaman ramdam ko ang titig niya sa'kin. Wala namang problema, pero kapag ako nailang, iiitsa ko siya palabas ng sasakiyan. "I didn't know that you also saying 'I love you' to your comrades," maya maya ay tugon niya at napangisi naman ako lalo. Talagang pinakadiinan niya ang salitang 'yon, ah? Sandali ko siyang nilingon saka tumutok ulit sa pagdadrive. "It doesn't matter to me, Yasser. Besides he's been my friend for long time, so we're very very very comfortable with each other," tugon ko sa kaniya nang hindi tumitingin. "Is that so?" tugon niya at tumango naman ako. Kahit hindi ko tignan ay nagtitiim na ang mga bagang at panga niya sa galit. Pero bakit ko ba sinasabi sa kaniya 'yon? As if naman kailangan niyang malaman. 'Kasi nagseselos ako...' Sinong nagseselos? Kaagad kong iwinaksi ang naisip ko at nagdrive na lamang. Nang makarating kami sa lugar na pagkikitaan ay bumaba ako ng hindi siya hinihintay. Nakasuot pa rin ako ng jeans, white blouse, sneakers and my favorite balck leather jacket. Action star sa sa pormahan. Nagkita kami ni Jef sa isang cafe, dito kami palagi noong mga panahong magkakasama pa kami. Actually I didn't consider him as one of my friend, but since he's with me after those traitors....he became one of my most trusted person. "Boss---Jeila!" sigaw ng isang lalaki sa may bandang kaliwa pagkapasok ko ng cafe at nakita ko si Jef na kumakaway sa'kin. "Jef," kaswal kong sabi saka lumapit sa kinaroroonan niya. Kaagad siyang napatingin sa likuran ko at nasisiguro kong nakita at nandiyan na si Yasser. "Boyfriend mo?" tanong ni Jef sa'kin at mabilis naman akong umiling bilang sagot. Iniabot niya sa'kin at isang browm envelope. Sa loob nito nakalagay ang dalawang taong pinaghihinalaan naming lahat, yes. We finally found out who's the traitors. And I'm so sure even you, won't believe who they are. Want a clue? They seem so nice at first, but the truth is they're attacking you from behind.  "Is this all?" tanong ko pero hindi na binuksan ang envelope. "Yes, Boss---I mean Jeila, nandiyan n-na po lahat," nahihiya niyang sabi, he's totally cute really. Nasa ibang table si Yasser pero alam kong sumisilip rin siya sa'ming dalawa ni Jef. Hindi ko alam pero meron sa loob ko ang natutuwa sa ginagawa niya, except sa pagkukuwento niya about sa kanila ni Celes. I don't care. "Ito na ba ang lahat kay Celestine Deil?" tanong ko at tumango naman siya. Oo. Celestine Deil. Isa siya sa mga traydor sa loob ng University. Nung una ay hindi rin makapaniwala ang ilan sa mga miyembro nila pero nang sabihin ni Mr. Zeon ang napapansin niya ay mas lalo nang lumakas ang hinala naming lahat. Celestine is one of the Bosses in Mafia Organization meaning may access siya rito at higit sa lahat may alam siya sa panggagamot....siya ang nagbibigay ng droga sa ilan sa mga tao sa Caldwell. "Thank you," kaswal kong sabi saka inabot ang kamay ko kay Jef, nagulat man ay tinaggap niya rin ito. Sa susunod na ang isa pang traydor, sa ngayon papatayin ko muna ang nauna. 'Celestine Deil, be ready and I'll steal your place...'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD