Chapter 15: Arrested
Jeila's POV
Days passed. Walang nagbago sa'min, hindi ko rin pinaalam sa dalawa kong ka room mate na si Celestine ang isang traydor. I'm sure na magugulat silang dalawa, dahil ang babaeng hinahangaan nila at tinatambal nila kay Yasser ay kasabwat ng mga kalaban.
"You want some?" tanong sa'kin ni Celes kasabay ng pag abot niya ng lalagyan ng chips.
"Thank you," bonggang ngiti ang ibinigay ko saka kumuha sa lalagyan, ngumiti naman siya pabalik sa'kin.
Nandito kami ngayon sa dorm, walang klase. May meeting na pinapatawag si Mr. Zeon, I'm pretty sure palabas niya lang 'yon para hindi makahalata ang babaeng ito.
Kasama rin namin ang dalawang bruha na sina Zel at Rina. Hyper na hyper si Rina samantalang si Zel naman ay nahihiya dahil kasama raw niya ngayon ang idol niya. Tsk tsk tsk, marami na siyang naging kakampi dito.
"Dadating ba sina Yasser at Zay?" tanong ko sa kaniya.
Nilingon naman niya ako. Ang pwesto namin sa kama ay nakahiga, nakasandal ako ng headboard ng kama ni Rina. Sa kaliwang dulo ako katabi si Celes, katabi niya si Rina na malikot at si Zel na behave lang.
"I think, pero you kow ang dalawang 'yon, mahilig munang mambabae bago sumipot," natatawang aniya at saka humarap ulit sa tv.
Mga babaero talaga. Kapag yung plano namin nasira talaga sisirain ko rin ang mukha niyang hinayupak siya.
Sabay sabay kaming napatingin nang bumukas ang pinto, pumasok ang pawis na pawis na sina Yasser at Zaylee. Nanalalaki naman ang mga mata ni Rina habang nakatingin sa kanila.
"Oh my god!" OA niyang sigaw.
Lahat naman kami napakunot ang noo sa kaartehan niya.
"Oh my god! Kagagaling niyo lang sa kama with flirty girls kaya kayo pawis! and then pupunta kayo here!? Oh my god! I wonder kung paano kayo napagod kakakabayo sa kanila!" tuloy tuloy na sigaw niya at napa conyo pa!
Malaki ang matang tinignan ko ang dalawa.
Halatang shocked pa rin ang mga 'to habang nakatingin kay Rina na nagpapaypay gamit ang kamay niya.
"Ewww!" dagdag pa ni Rina.
"I-it's not what you think guys! Hinabol---"
"Hinabol nila kayo nung titigil na kayo tapos binigyan niyo pa ng round two!? My god! Di na kayo nahiya!" sigaw niya at mas napamura naman si Yasser.
Rinig ko ang pasimpleng pagmumura ni Zaylee habang hinahagod ang buhok niyang kulay itim at ang pawisan niyang noo.
"Arrrgh! Pwede ba!? Let me explain!" sigaw ni Yasser at tumigil naman sila.
Hindi naman kami naimik na tatlo dito sa likod, si Zel kasi ay pinapakalma si Rina. Sa pagkakaalam ko ay conservative naman kasi itong si Rina, I mean oo nagsusuot siya ng pang party pero hindi siya flirt.
"Kaya kami pawis dahil hinahabol kami ng mga babae---pero! Hindi katulad ng iniisip niyo at lalo na ikaw! Tch!" sabi ni Yasser sabay turo kay Rina.
"Umupo nga kayo!" sigaw ko saka naupo sa couch.
Ang OA nila magreact especially Rina. Tss, pinagpatuloy ko nalang ang panonoood ko habang kumakain ng chichirya. Naramdaman kong bumigat sa kaliwang bahagi ng kama kaya naman tumingin ako dito.
Nahiga si Zaylee sa tabi ko.
"Tss.." asik ko saka tumingin sa harapan.
Pero nang hindi ako makatiis ay kumuha ako ng tissue sa side table at saka pabatong inabot sa kaniya.
"Magpunas ka. Pawis na pawis ka," sabi ko sa kaniya nang hindi natingin.
"Thanks," simpleng sagot niya at nakita ko sa side vision ko na naguumpisa na siyang magpunas.
"Hup!" hugot ko nang biglang tumambad sa harapan ko ang mukha ni Yasser!
Paano ba naman kasi! Nanonood ako tapos biglang haharang ang mukha niya sa harapan ko. Tapos...a-ang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko.
Napalunok ako ng matinde ng tignan niya ang labi ko, pero nakahinga ako ng maluwag nang tumingin siya ulit sa mga mata ko.
"A-ano ba!?" pilit na sigaw ko kasabay ng pagtulak sa kaniya.
Pero imbis na sagutin ako ay ngumisi lang ito sa'kin.
"I like your nose..your eyes...even your cheeks..I really love it.." aniya na pabulong. Naririnig kaya nila 'to?
"W-what are you t-talking---"
"You're not allowed to talk yet, let me finish my sentiment please. Okay as what I've said..I love it, but do you know what I want?" tanong niya.
Parang tanga naman akong tumango sa kaniya.
Napasandal pa ang ulo ko ng matindi ng mas ilapit niya pa ang mukha niya sa'kin. The hell!
"My lips wants to touch yours.." bulong niya at nanindig naman ang balahibo ko.
Hindi naman ako lalong nakapagsalita dahil sa sinabi niya sa'kin.
"And one more thing.." aniya at mas nakinig naman ako dahil mukhang seryoso siya dito. "Mr. Zeon have a plan,but I won't tell you...you need to find it by yourself." aniya at saka lumayo sa'kin.
Saka lang ako napatingin sa mga kasama namin at ramdam ko ang mainit na pisngi ko. Nakatingin sila for pete's sake!
"What are you doing guys?" unang bumasag ng katahimikan si Rina.
"Gusto ni Mr. Zeon na pumunta tayo sa office niya," singit ni Celes dahilan para hindi na ako makasagot pa kay Rina.
Tumango naman kami sa kaniya at sabay sabay na naglakad papunta sa office.
Pagkapasok namin ay bumungad ang pare parehong mukha ng organisasiyon, I mean mga kasali sa kanila. Naupo kami sa couch, katabi ko si Yasser sa kabila ko naman si Zaylee.
"Today, I will arrest the traitor." sabi ni Mr. Zeon at nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
Paano nag plano namin? Masisira nalang ba 'yon?
"Sino?" tanong ni Zel.
"Si, Jeila Frondalle.." aniya sabay turo sa'kin.
Nagulat ako nang makita sina Jayvion at Yasser na hawakan ako sa magkabilang braso.
"What is this s**t!?" I cursed them!
"Jeila." aniya.
'What the hell!? Why am I being captured!?'