Chapter 16: Faith Jeila's POV Hinatid nila ako sa pinakatuktok ng eskwelahan, mahaba at madilim na hallway ang sumalubong sa'min. Hindi naman ako takot sa dilim kaya walang problema, hawak pa rin ako nina Yasser ay Jayvion sa magkabila kong braso. Si Zaylee naman ay nasa likuran namin at nakaantabay. "I didn't expect that you're the traitor, Jeila. I've been with you since then, but... you're fake." ani Celes sa gitna ng pananahimik namin. I smirked and look at her. Para bang may kung anong tumatakbo sa isipan ko. "Believe me, even me." nakangising sagot ko sa kaniya. "Hindi ako na-inform ako pala ang taya sa laro. Tsk." "Ang galing mong magpanggap, I wonder kung pa'no mo kami napaikot sa mga kamay mo." dagdag niya pa at mas nagtangis naman ang bagang ko. "Call me whatever you want