Chapter 31: Call Jeila's POV "Bakit nga pala naisipian niyong mag mall?" tanong sa 'kin ni Thorn nang kaming dalawa ang mahuli sa paglalakad. Nilingon ko siya pero mabilis ding binalik ang tingin sa daanan. Nasa harapan namin ang mga kasama namin. "Niyaya lang ako nina Rina actually, pumayag na rin ako since aalis na rin naman dito." sagot ko. "Hindi ka naman aalis, eh." aniya. "Oo nga. Ayos lang, wala rin namang maghihintay sa'kin sa bahay kung sakaling uuwi ako." isang pilit na ngiti ang kumawala sa labi ko. Hindi na siya sumagot pa at naglakad na lang kami. Si Zel at Rina ay magkasama at magkahawak kamay pa, si Vion at Heren naman ay nagbubulungan at kasama na rin si Zaylee. Si Cassy naman na naka angkla ang kamay sa braso ni Yasser habang naglalakad. "Hindi mo man lang ba tataw