Chapter 30: Cassy Nicosa Jeila's POV "After nito, aalis na kami, Jei-jei. Ikaw?" tanong sa 'kin ni Zel. Sabay sabay kaming pumasok sa klase na sa Training Room. Gagawa ng trap ang sabi, wala nga sana akong materials pero binilhan ako nina Rina at Zel. "Hm? Tatawag ako kay Mama tapos ewan ko na." tipid ang ngiting tugon ko. Hindi rin naman kasi kami gano'n ka close ni Mama kaya hindi ko alam kung sasama ako sa 2 weeks vacation na 'to. Tapos babalik sila dito 1 week before ng tunay na bakasyon or summer. Ang weird lang nila, balita ko para 'yon sa orientation chuchu nila. Sabay kaming tatlo na nandoon na sa loob ng Training Room. Wala namang pumansin sa 'min pagpasok, abala ang mga tao sa kaniya kaniyang gamit nila para sa gagawing trap. Tinignan ko ulit yung binili sa 'kin nina Rina