Chapter 29: Forgiveness and New Girl Jeila's POV Kaagad naming sinugod si Zel sa clinic dahil sa may tama siya ng baril, patuloy sa pagdurugo ang sugat niya at walang tigil 'to. Almost 1 hour passed at okay na si Zel sabi ng nurse sa 'min, tinahi ang sugat niya at binendahan na rin. Tumigil na rin daw sa pagdurugo. Umalis si Zay para bumalik sa ground, gusto ko mang sumama ay hindi pwede dahil walang maiiwan kay Zel. Pumasok ako ng clinic at nadatnan siyang nakahiga sa bed habang sinisipat ang benda niya. "Okay ka na ba?" tanong ko at ganoon na lang ang gulat sa kaniya nang makita ako. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kaniya. "A-ahh.." halatang hindi niya alam ang sasabihin. Even me, but I really want to know if she's feeling better. "Masakit pa ba? Or kumikirot?" dagdag tanong k