Chapter 05: Bestfriend

1654 Words
Chapter 05: Bestfriend  Jeila's POV Nakakunot at salubong ang dalawa kong kilay habang ginagawa ang parusa sa aming dalawa nitong pesteng lalaki na 'to. Dapat ba akong magpasalamat dahil hindi kami pinalinis ng banyo? Pero mukhang mas gugustuhin ko pa 'yon kaysa makasama ang hinayupak na 'to. Nasa field kami ngayon at nagpupulot ng basura, gagawin namin 'to for two weeks. Can I burry him alive? "Bilisan mo nga diyan, madami pa dito oh!" sigaw niya at tinusok ang ilang basura at nilagay sa basurahan. "Manahimik ka, bwisit ka!" inis na sigaw ko sa kaniya at lumayo, mabuti nalang at inosente pa ang utak ni Mr. Zeon at hindi niya kami pinaghihinalaan pero hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya sa'min sa office niya! "Kung gagawa kayo h'wag naman sana labas dapat nasa loob kayo, ha? May kwarto naman kami na pang VIP, gusto niyo?" Nahigpitan ko ang hawak sa isang plastic bottle dahil naalala ko ang sinabi niya! Ang buong akala ko pa naman ay magagalit siya pero hindi ko alam na kukunsintihin niya pa sa kaabnuyan itong si Yasser!? Weird na nga ang lahat weird pa ang mga tao dito bwisit! Tutusukin ko na sana ang isang plastic nang may paang umapak doon kaya naman mabilis ko itong tinignan ng matalim. Yung lalaking may itim na buhok na palaging kaaway ni Yasser. Anong problema nito? "Anong kailangan mo?" kunot na kunot ang noong tanong ko, dahil bukod sa mainit na nga ang araw mainit pa ang dugo ko at lalo pa nilang pinapakulo! "Ikaw," sagot niya at napakunot naman ako ng noo. "Tss, wala akong panahon para makipaglokohan sa'yo kaya umalis ka sa harapan ko dahil hindi ko kontrolado ang sarili ko ngayon may sa demonyo akong kasama kaya nahawa na 'ko! Tabe!" inis at dire diretsong sabi ko at hinawi pa siya kaya napausog siya naglakad ako. Kailangan kailangan, nagiging maingay na rin ako ngayon. Lumilipas ang ilang oras at ganon pa rin ang sitwasiyon naming dalawa ni Yasser. Umalis na yung lalaking may itim na buhok, hindi ko na siya makita pa. "Sinong hinahanap mo?" sulpot ng demoniyo sa gilid ko. Hindi ko siya pinansin at naglakad papalayo habang tinutusok ang mga basura. Tahimik lang akong nananatili sa puwesto ko, natanaw ko pa si Yasser na nasa malayo at busy rin sa pagpupulot ng basura kaya hindi ko na siya tinignan pa. Napatayo ako ng tuwid nang maramdaman ko ang sakit sa batok at likod ko. Iba talaga kapag tumatanda ka na. "Araaay!" sigaw ni Yasser at nakita ko siyang nakahandusay sa field habang may dugo sa kamay. Sa kaba ko ay tinapon ko ang pantusok na hawak ko saka mabilis pa sa kidlat na tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Hawak niya ang kanang braso niya at nakita kong malaki ang hiwa niya dito. "Ang tanga naman," compliment ko sa kaniya. "Arrgggh!" daing niya habang hinahawakan ng mahigpit ang ibabang parte ng sugat niya na akala mo mapipigilan ang pagkalat ng sakit. Tinayo ko siya at inakbay sa'kin ang kaliwang braso niya, niyakap ko rin ang bewang niya para hindi siya matumba. Bakas sa mukha niya ang sakit kaya naman sinipa ko lahat ng madaanan kong basura makadaan lang kami ng maayos. "Sandali lang, malapit na tayo." sabi ko at saka siya inlalayang maglakad. Mabuti nalang at kakaunti ang mga tao sa hallway ng University kaya walang masiyadong sagabal sa daraanan namin. May iilan na napapatingin sa'min saka magbubulungan, nag aalala rin ang mga fan nitong mokong na 'to. Pero lahat binalewala ko marating lang namin ang school clinic. "Nurse!" sigaw ko at sinipa ang pinto dahilan para tumalsik ito pero hindi naman nasira. Nagulat ang mga nasa loob na iba pang nurse pero nang makita ang duguang braso ni Yasser ay kaagad silang kumilos. Inihiga nila siya sa isang bed at kumuha ng mga bandage at kung anu anong gamot. "Tatahiin ba?" tanong ko at laking gulat ko ng hilahin ni Yasser ang laylayan ng damit ko. "A-ayoko!" tanggi niya, gusto kong matawa dahil tatahiin lang naman ang sugat niya pero bakas na ang takot sa mukha niya. Pinalo ko ng malakas ang kamay niyang nakahawak sa damit ko at napahiyaw naman siya sa sakit, mas lalo pang nadagdagan ang sakit ng sugat niya. Lumabas ako ng clinic dahil hindi naman ako ang magtatahi ng sugat niya at baka kapag ak ang inutusan eh, ibuhol ko yung sinulid sa kaniya! Lumabas talaga ako dahil ayoko ng nararamdaman ko. Nararamdaman ko na namang mag alala para sa iba, bagay na matagal ko ng kinalimutan. Ito na ang huling pag uusap namin at sisiguruhi ko 'yon, walang sino man ang makakatibag ng pader na binuo ko para protektahan ang damdamin ko. ---- Linggo. Wala akong balita about kay Yasser. Hindi ko rin naman sinabi kina Zel at Rina na ako yung b***h at assumerang babae na tumulong na magdala sa kaniya sa clinic. Nag stay lang ako sa kwarto ko ngayon, inaya ako nina Rina na lumabas pero kagaya lang ng mga nauna tumanggi ako sa kanila.  Kinuha ko ang picture ko kasama ang mga dati kong traydor na kaibigan. Hanggang ngayon may kirot pa rin sa puso ko sa tuwing makikita ang litrato namin na magkasama at masayang masaya. Naka akbay sa'kin ang babaeng tinuring ko ng parang kapatid ko, sa kabilang banda ko naman ay naroon ang lalaking muntik ko ng mahalin. Sa likod ng litrato ay nakalagay ang mga pangalan naming lahat, mga pangalan ng taong traydor at sumira ng tiwala ko sa mga tao Nilagay ko ulit ito sa lalagyan at kinuha naman ang litrato naming dalawang ng bestfriend ko. Siya si Snow, mas nauna ko siyang makilala kesa sa mga 'to. Ang kaso namatay siya, nagkaroon siya ng cancer, huli na ng malaman ko dahil tinago niya sa'kin dahil ayaw niya akong mag alala sa kaniya. Noong mga panahon na 'yon hiniling ko na rin na sana ay sumama nalang ako sa kaniya na sabay kaming mamatay, pero pinanghahawakan ko ang mga sinabi niya.. 'Jea, you need to live. Someone needs you, your freinds needs you, your family needs you. May mga taong kailangan ka. Mawawala man ako ngayon ikaw pa rin ang pinaka the best na bestfriend ko' Dinampot ko ang sulat na iniwan niya sa'kin bago siya mamatay pero natanggap ko lang noong pagkatapos na ng libing niya. My Dear Jea, Hello, beshie! Kamusta ka na? Sana okay kalang, ha? Alam kong wala na ako kapag binasa mo 'to, sorry I can't keep my promise. Sorry kung hindi na natin matutupad yung mga pangarap natin ng magkasama, kasi hindi naman natin hawak ang buhay natin, eh. Nakatakda tayong mawala sa mundong 'to dahil may dahilan. Mawawala tayo pero mananatili ang mga alaala natin sa puso natin at yun ang gusto kong gawin mo. Live for me, Jea. Alam kong hindi ka approachable na tao pero may puso kang kasing lambot ng leche flan! Hehehehe! Smile, Jea! Alam mo mas maganda ka kapag nakangiti, pero syempre parehas tayong maganda 'diba? Mawawala man ako pero promise ko sa'yo babantayan kita kahit nasa langit na 'ko. Remember kahit may problema ka go with the flow lang dahil hindi naman ibibigay sa'yo 'yan ng diyos kung hindi mo kaya. Ikamusta mo nalang ako sa mga magiging friends mo, ah? Syempre sa magigiing future childs mo, ikwento mo ako sa kanila, na meron silang napakagandang ninang. Huwag kang malulugnkot Jea, kahit wala na ako. Remember ako si Snow Jeisz  Montecillo, ang pinaka matapang at astig na kaibigan mo, kapag sinabi kong kaya mo, kaya mo! Bye, Jea! I love you! Sincerely, Snowy Umaagos ang luha ko nang mabasa ko na naman ang sulat sa'kin ni Snow. Yun na nga eh, ikaw si Snow Jeisz Montecillo pero bakit sakit lang natalo ka na!? Ilang bakabakan na ba ang napagdaanan natin pero ni minsan hindi ka sumuko 'diba? Ni hindi nga tayo naospital dahil natatalo natin sila ng walang galos, pero sa sakit nagpatalo ka. "I'll keep your memories." garalgal ang boses ko saka pinunasan ang luha ko sa pisngi. Inilagay ko ang sulat sa box na puno ng pictures naming dalawa. At hanggang ngayon suot ko pa rin yung kwintas na binigay niya sa'kin. Parang kakambal at buntot ko na nga ito dahil hindi ko ito hinihiwalay sa'kin. Ang pendant nito ay snowflakes, maganda daw kasi iyon maputi at nakakaakit na parang siya. Natawa ako nang maalala ang kabaliwan ng babaeng 'yon.  Kahit kailan Snow, hinding hindi ko hahayaang makalimutan ko ang memories nating dalawa. I love you too, beshie. Napapitlag ako nang magkakasunod na katok ang halos sumira na sa pinto ng kwarto ko. Iniligpit ko ang mga gamit ko saka binuksan ang pinto, bumungad sa'kin si Rina. "Jei-jei, kakain na---umiiyak ka ba!?"  gulat na tanong ni Rina na hinawakan pa ang dalawang pisngi ko pero hinawi ko lang ang mga kamay niya. "Ayos lang ako, sige susunod nalang ako sa inyo.' sabi ko at saka sinarado ang pinto. Narinig ko ang mga yabag niya na papalayo na. Inayos ko muna ang sarili ko, huminga ako ng malalim habang hawak hawak ang kwintas ko. ----- Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nina Zel at Rina habang kimakain ng almusal. "Oo! Alam mo ba iniwan din daw niya si Yasser sa clinic matapos dalhin don!" si Rina. "Talaga? Eh, wala bang nakakilala sa babae?" si Zel "Wala daw, eh. Hindi daw nila nakikita, baka trasferee---" kusang napatigil sa pagsasalita si Rina at nag angat ako ng tingin, hindi na ako nagulat nang makitang nakatingin na siya sa akin habang nanlalaki ang mata. "Si Jei-jei, 'yon!" gulat na sabi rin ni Zel. Hindi ko sila pinansin at kumain nalang. Hindi na sila nakapag salita pa nang may kumatok sa pinto namin, baka isa sa kanila ang may inaasahang bisita. Hindi ko sila pinansin at kuamin nalang. "Oh my god!" bulalas ni Rina kaya naman napatingin kami sa kaniya. "Y-yasser.." si Zel naman kaya naman naki usosiyo na rin ako. Nakita ko si Yasser at dalawa pang lalaki sa labas ng pinto namin, may bandage ang braso niyang may sugat. Pero may kakaiba sa mukha niya, mukha siyang galit? At ang dalawang kasama naman siya at tuwang tuwa. Anong meron dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD