Chapter 06: Spy
Jeila's POV
Mukhang kailangan ko ng detective kapag natagpuan na ang bangkay ko. Ang kaso nila ngayon ay Jeila Frondalle a*******n and murder case. Hindi na sila mahihirapan pa na hanapin kung sino ang salarin, si Yasser lang naman ang nanghatak sa'kin kanina.
Matapos namin silang pagbuksan ng pinto ay sapilitan akong hinila palabas ni Yasser, ang dalawa naman niyang kaibigan--ugh! Nahipnotismo na ang dalawa kong kasama dahil nang hilahin ako ni Yasser ay papalag dapat sila pero natahimik nang kausapin sila nila Thorn at Heren daw.
"Ano ba?" angal ko na dahil kanina pa 'ko hinihila nitong siraulong 'to. Pero imbis na sumagot ay masamang tingin ang ipinukol niya sa akin at saka pa ako mas hinila ng mabilis.
Wala na akong nagawa kung hindi ang magpahila sa kaniya, ayos lang naman dahil makakabawi rin ako mamaya ng sapak, ang hindi ko lang gusto ay ang mga tingin ng bawat taong madadaanan namin. Talagang titigil sila sa ginagawa o pag uusapan nila kapag nakita kami, ang iba naman ay nagbubulungan, ang mga wala lang pakialam ay ang mga lalaki.
Hinatak kao ni Yasser hanggang sa garden ng University. Pagpasok namin ay sinarado niya ang gate nito at saka ako pabatong binitawan.
"Ano bang problema mo--"
"Shut the f*ck up!" pigil na sigaw niya at nagulat naman ako. Hindi ako kaagad nakasagot sa kaniya dahil halatang wala siya sa mood at galit, pero 'diba dapat ako pa ang mas magalit?
"Ano na naman ba 'to?" seryosong tanong ko pero imbis na naman na sumagot ay nagpalakad lakad siya sa harapan ko at naupo sa isangh bench na naroon at saka nahilamos ang mukha gamit ang kamay.
"From now on.." pabitin niya at nakinig lang naman ako sa kaniya. "You'll eat lunch with me," dugtong niya at napakunot noo naman ako.
"Anong trip na naman ba 'to, ha?" natatawang tanong ko sa kaniya pero hindi man lang nagbago ang itsura ng mukha niya.
"I'm serious, you have to eat lunch with me, everyday and that's final." malumanay at seryosong dagdag niya, pero anong purpose non?
"Ano na naman ang gagawin mo---"
"Just follow me!" pasigaw na pigil na naman niya at nagulat pa rin ako.
"At bakit naman kita susundin?" tanong ko sa kaniya.
"Because I said so,"
"So?"
"Alam mo pwede ba kahit minsan lang matuto kang sumunod sa'kin?"
"Sa'yo? Nagpapatawa ka ba? Ni hindi nga kita kilala. Yes, I knew your name but I don't know what is inside you," mariing sabi ko sa kaniya at natigilan naman siya. "Tell me, para san ba 'yo?" seryoso ng tanong ko dahil may kutob ako kung bakit niya ginagawa 'yo.
"I'm a good person--"
"Sorry, but I'm the type of person who do not believe what people say," tugon ko at mas lalo naman naging inis ang mood niya. Parang hindi na niya alam ang gagawin.
"Then trust once in your life," sabi niya at natawa naman ako.
Matapos ang pinagdaanan kong pagtatraydor, sa tingin mo makakapagtiwala pa ang ng buo?
"I don't give a--"
"Believe me. Trust me, Jeila. Hindi ko sasayangin ang tiwalang binigay mo," sabi niya at ako naman ang natigilan. Tiwala? Meron pa ba ako sa katawan non?
"Pwede ko bang malaman kung bakit mo hinihingi ang tiwala ko? Kasi para sa'kin hindi hinihingi ang tiwala, kusa kong ibibigay 'yon kung katiwa tiwala ka, Yasser." mariing sabi ko sa kaniya.
"I can't tell you now," sabi niya at iniwas ang tingin.
He's hiding something. I want to know what is it.
"Tell me, baka sakaling maniwala ako sa kahibangan mo't ibigay ko ang tiwala ko," sarkastikong sabi ko pero ito ang way ko para malaman ang totoo.
"Just..follow me Jeila. It's for your own good," sabi niya at bigo naman ako.
Nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa at wala ni isa sa'min ang nagtangkang m magsalita. Nag iisip pa rin ako kung ano ang tumatakbo sa utak ng lalaking 'to. Nanatili lang kami sa mga pwesto namin, siya nakaupo ako naman nakatayo. Nakatingin siya sa lupa at parang iniisip niya na may lalabas na himala don at ako naman syempre obvious naman, nakatingin ako sa kaniya at malakas na bumuntong hininga.
"Kung hindi mo sasabihin aalis na 'ko, nasasayang lang ang oras ko sa'yo," sabi ko at saka nagsimulang maglakad papalayo sa kaniya. Akala ko ay hahabulin niya ako pero walang braso o kamay ang pumigil sa'kin sa paglalakad.
Pagbalik ko ng dorm ay naabutan ko silang apat na masayang nagkukwentuhan. Sina Thorn, Heren, Zel at Rina. Tinatanong nila ako pero hindi ako kumikibo sa bawat sabihin nila. Naalala ko lang kanina ay sabi nilang dalawa ni Zel aalis sila pero bakit nasa dorm pa sila? I don't care anyway.
----
Monday.
Monday na, meaning pasukan na. First day ko na. Maaga akong naghanda, hindi pa gising ang dalawa nung magbihis at umalis ako. Gusto ko rin kasing libutin ang eskwelahan na hindi ko nagawa nitong mga nakaraan.
Hawak ang schedule ko ay naglakad lakad ako sa madilim na pasilyo. May buwan pa nga sa langit, eh. Hindi naman ako takot sa dilim kaya madali lang sa'kin ang ganito.
Nakita ko ang room 107, walang kahit na anong name o pangalan ang nakalagay dito basta room at number lang. Pumasok ako rito at tinignan ang kwarto. Malawak, pero dalawa lang ang desk at arm chair, idagdag pa ang teachers' desk. Wala itong kahit na anong blackboard, hindi rin ito mukhang classroom.
Pumasok ako at nakita ang malaking buletin board sa loob. Hindi ko ito nakita kanina dahil madilim rin. Nilapitan ko ito at maraming pictures ang nakadikit dito. Pero ang kaagad kong napansin ay ang picture ng tatlo. si Yasser at saka yung lalaking may itim na buhok napapagitnaan nila ang isang magandang babae. Yung babae ay may hawak na--teka! Ito yung arnis doon sa shop ah!? Pinakatitigan ko ito at ito nga! Nakaakbay silang dalawa doon sa babae. Love triangle? Sino naman 'tong babae?
"Miss?"
Bigla akong naalero nang may magsalita mula sa likuran ko. Nakikita ko ang katawan ng isang lalaki pero natatakpan ng anino ang mukha niya kaya hindi ko siya makilala o baka naman hindi ko talaga siya kilala.
"Sino ka?" tanong ko at nakakuyom ng kamao ko. Nakahanda ng sumapak.
"Ako ang dapat magtanong niyan, ikaw? Sino ka?" balik tanong niya at pilit ko namang inaaninag ang mukha niya pero hindi ko talaga makita.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Ako ang naunang magtanong 'diba, kaya sagutin mo." mataray kong sabi sa kaniya at narinig ko naman ang kaniyang mahinang pagtawa.
"Hmm, you don't know me."
"Of course, staff ka ba ng University?"
"A spy."
"A--w-what?" nagugulat kong tanong.
Pero mabilis pa sa kidlat ang paglapit niya at tinakpan ang bibg at ilong ko ng paniyo.
"I'm his enemy and you're my victim. In short, I'm death."
'His..? who..?'
And everything went blank..