Chapter 07: Spy
Jeila's POV
Naramdaman kong kumirot ang ulo ko. Hahawakan ko sana 'to pero parang hindi ko maikilos ang dalawang kong kamay. Naramdaman ko ang malamig na pader at semento sa katawan ko. Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, nagadjust pa ako ng bahagya upang masanay sa liwanag pero walang tumambad sa' kin.
Isang blangkong lugar ang kaagad na bumungad sa'kin. Wala ni isang upuan, lamesa, o kahit na anong bagay. Ako lang mag isa dito sa blangko na kwarto. Ginalaw ko ang kamay ko at nakatali nga iyon, maging ang mga paa ko ay nakatali na rin.
Mukhang nagkatotoo ang a*******n case ko, baka may murder na ang kasunod nito. Namamnhid na ang mga kamay at paa ko kaya naman alam ko na kanina pa ako nakatali dito. Masiyadong mahigpit at pagkakatali at para bang takot silang matakasan ng bihag nila.
Pinilit kong tumayo pero magkakonekta ang lubid sa kamay ko at sa paa ko sa likuran. Wala akong nagawa dahil pagod na rin ako at nauuhaw. Kailan ba ako huling kumain?
First day ko pa naman pero ito na kaagad ang inabot ko, alam ko namang buhay ko ang nakasalalay sa eskwelahan na 'to pero sinuong ko pa rin para lang sa plano ko. Hindi ako susuko.
"Hey! F*ck you kidnappers! Get out me here! I swear I'll kill all of you!" malakas kong sigaw kahit parang namamaos na boses ko.
Maya maya ay nakarinig ako ng mga yabag kaya naman alam ko ng paparating na sila.
"Gising na siya?"
Pagkarinig palang ng boses ay kaagad na akong natigilan, parang tumigil sa paghinga at pagtibok ang puso ko. May kung anong kirot na tumusok sa puso ko. Hindi ako nagkakamali. Pero iwinaksi ko lamang ang isipin na 'ton, taas noo akong humarap sa pintuan at hinihintay ang mga taong papasok dito upang makita ako.
"Mag iingat ka sa kaniya, balita ko ay nag aaral na 'yan sa Caldwell. Alam mong hindi basta basta ang mga tao don, tandaan mo minsan na nila tayong natalo at ayoko lang maulit ang nangyari noon--"
"Shut up will you!? Hindi ko na hahayaang mangyari 'yon!" sigaw ng lalaki sa labas.
Natahimik at wala akong narinig ni isa sa kanilang nagsalita. Narinig ko na lamang ang pagpihit ng doorknob at kasabay non ang pagpasok ng lalaking pamilyar na pamilyar sa' kin.
"Jea.."
"Traydor.." bulong ko sa kaniya without breaking our stares. It's been a loong time since I saw him, he changed a bit, he's more mature now. But I hate that one thing never changed to him, his eyes..
I turned my gaze in different direction. The moment I saw him, my memories back..his sweet gestures, lines, even his presence...I missed all about him! And I hate that feeling!
"What do you want?" seryoso kong tanong at nilabanan ang tingin niya.
"I want you.." the moment he said that...automatically my world stop.
"What?" pilit kong inaayos ang boses ko.
"Hahahah! Don't get me wrong, Jea. I mean I want you to be my...hostage..to lure out Yasser and Zaylee." sabi niya
'Magkakilala sila? How?'
Gusto ko man itanong sa kaniya 'yon munit hindi lumalabas sa bibig ko. Nanatili akong tahimik at nakatingin lang sa sahig, hindi ko alam ang iniisip ng lalaking 'to.
"Bakit ako ang kinuha niyo imbes na siya? I'm not related to him anyway," nagtatakang tanong ko sa kaniya.
"Hmm, that? I don't really know. But my instinct told me to catch you, that's it." animong nagmamayabang na sabi niya at hindi na ako muling umimik.
Maya maya pa ay may pumasok pa na mga lalaki na may dalang tray ng pagkain. Iniabot niya sa'kin 'to at nilapag sa harapan ko.
"Pa'no ako kakain sa lagay kong 'to--"
"I'll feed you," putol niya at kaagad ko namang naitikom ang bibig ko.
"N-no need," pilit kong panlalaban.
Natawa siya saka bahagyang napailing.
"Stop acting like that, Jea. Parang hindi naman natin 'to ginagawa dati," natatawang sabi niya saka kinuha ang kutsara at kumuha ng pagkaini, inilapit niya iyon sa bibig ko pero nanatili itong tikom. "I don't want you to lose energy so eat, you need this," sabi niya at wala naman akong ibang nagawa kung hindi ang kainin ito.
Paulit ulit lang ang ginagawa namin, susubuan niya ako at saka paiinumin ng tubig kapag nasamid. Hanggang sa maubos ang pagkain. Lumipas ang ilang minuto at bumalik siya sa kwartong pinagdalhan sa'kin.
"Is he there?" I asked.
"No, but I'm here to--"
"Oh, please." putol ko sa kaniya.
"Papatulugin lang kita, promise paggising mo ligtas ka na," bulong niya at lumapit sa'kin at tinakpan ang bibig at ilong ko ng paniyo.
---
"Where is she!?"
"She's there,"
"Did you do something to her!?"
"No, actually pinakain ko pa siya,"
"What do you want?"
"Hmm, another battle I guess?"
"What?"
"I want another battle between our organization, Yasser."
Naririnig ko ang mga boses sa labas ng pintuan, sinikap kong makatayo para tignan kung may nagbabantay. Walang tao sa kwarto kundi ako lang, tinignan ko ulit kung makakatakas ako sa tali. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at nagbabakasaling may makitang kahit na anong pwedeng ipangtanggal sa tali.
Naalala ko rin kanina na nakarinig ako ng mga nag iinuman dito, posible na iniwan nila ang bote sa loob. Gotcha!
Para akong higad na umusod usod papalapit sa bote ng mga alak sa sulok. Nang makalapit ako ay kumuha ako ng isa at saka ito binasag, sana hindi nila narinig. Nahirapan pa 'ko dahil patalikod ko itong binasag, natamaan pa 'ko ng ilang bubog sa braso kaya mahapdi.
Pilit kong inabot ang isa sa mga malalaking bubog patalikod at pinilit na putilin ang magkakonektang tali.
"Yes!" bulong ko nang maiunat ko na ang kamay at paa ko pero nakatali pa rin ng mahigpit. Inilagay ko sa harapan ang mga kamay ko para mas madali. Kinaskas ko ng kinaskas ang bubog sa tali hanggang sa mapigtas ito. Nang makawala ang mga kamay ko ay sunod ko namang tinanggal ang tali sa paa ko.
Itinabi ko ang ginamit ko, sumilip ako sa pinto at nanlalaki ang mata ko nang makita sina Yasser at Zaylee, pero hindi sila nag aaway ngayon. Seryoso silang nakipag usap sa mga traydor. Kaagad kong sinara ang pinto nang makita kong papalapit na sila dito.
"She's here and safe, don't worry. I won't hurt your girl,"
Dahan dahang bumukas ang pinto at kasabay non ang paghampas ko ng bote sa ulo niya, kanina ko pa dinampot ito para pagkalasag. Maging sina Yasser at Zaylee ay nagulat pero wala kaming oras na dapat sayangini, dapat kaming makatakas dito.