Chapter 26: Needed Jeila's POV Kagaya nga ng sabi ko ay ipapatawag din kami sa meeting. Nagpaalam ako sandale kay Sir Ownel saka nagtungo doon. Nang makapasok ako ay napakabigat na atmosphere ang sumalubong sa akin, hindi ko na iyon pinansin dahil sanay na ako sa ganoong sitwasyon. Wala akong nilingon maski isa sa kanila, masiyadong seryoso ang aura kaya nakikibagay lang din ako. Naupo na ako ng prente at saka ko lang nilibot ang paningin ko sa loob ng meeting room. Malaki ang bintana, may mahabang table, may stage, may--- "Nandito na ba lahat?" napatigil ako sa pagmamasid masid nang magsalita si Toria. Nag angat ako ng tingin at nasa gitnan niya sa pinakadulo. Lahat kami ay nakalingon sa kaniya. "Hindi pa, may hinihintay pa tayo." sagot sa kaniya ni Yasser. Natahimik ulit kaming laha