Chapter 27: Jeila Jeila's POV Ba't hindi natin balikan yung panahong kakapasok ko palang sa Caldwell? Noong una ang pakay ko lang talaga ay matuto para makaganti kina Ivan at Jane. Lalo na nung makaharap ko ulit sila nang kidnapin nila ako. May hamon sila, ang hamon nila ay protektahan ang Godfather ng Caldwell. Si Zeon 'yon. Hindi tumagal, napasali na ako sa kanila, naghanap din ako ng traydor na si Celes pala. Ngayon galit yata sa'kin sina Rina at Zel dahil sa iniasta ko. Ngayon naman ay involve na naman ako sa problema ni Zeon. Maski ako ay naguguluhan na sa sarili ko. 'Pero...involve pa rin naman sina Ivan at Jane kaya may sense pa rin para makisali ako..' Pero hindi pa sila ulit nagpaparamdam? Eh, yung problema ngayon ni Zeon, may kinalaman kaya sila? Natatandaan ko noon sabi ni Z