Chapter 23: Partner Jeila's POV "Yah!" sabay sabay naming sigaw at sabay sabay namig sinipa ang punching bag na nasa harapan namin. Ang trainer naman namin ay naglalakad habang nasa likod ang dalawang kamay at mataman kaming pinagmamasdan. Paminsa minsan ay lumalapit siya sa isa sa amin at saka ituturo ang tamang pagsipa, pagsuntok o pag atake. Aaminin ko, mas gusto ko siya kesa kay Sir Jonth. "Stop." makapangyarihang sabi niya at sabay sabay kaming tumigil sa pagsipa. Ang iba ay hinihingal na pero pinipilit pa rin, ang iba ay bakas ang determinasyon sa mga mata at ang iba naman ay walang pakialam. "By partner kayo." sabi ng trainer namin at napatingin naman ako. 'By partner? Ano 'yon? Gagawin naming punching bag ang isa sa amin?' "Ipagpapares pares ko muna kayo." sabi niya saka kam