Chapter 24: Vacation Jeila's POV "2 weeks vacation?" tanong kay Cedrick. Nasaktohan kasi namin ang isa't isa kaya sabay na kaming nag lunch na dalawa at isa hindi pa rin kami okay na tatlo nina Zel at Rina, so I don't have a choice. "Hmm," sagot niya at tumango tango pa. "Every year papayagan tayong umuwi sa atin before vacation." "Eh, bakit hindi nalang talaga sa mismong bakasyon?" tanong ko. "Sabi ni Mr. Ridge para daw makapag plano ang kaniya kaniya para sa outings nila." kibit balikat niyang tugon. Napatango na lamang ako, tinignan ko lang kumain si Cedrick. Noong una ko siyang makita nung isang araw, ang impresyon ko sa kaniya ay tahimik, mahiyaon, mabait pero mabait na tao. Dapat ay iniiwasan ko na siya dahil ayaw ko ng kaibigan pero hindi ko alam. "M-may dumi ba 'ko sa mukh