Chapter 20: Weak JEILA FRONDALLE'S POV Nakakahiya man aminin pero naging komportable ako sa ginawa sa'kin ni Yasser na advice at pagyakap. Matagal ko ng hindi nararanasan ang ganoong pakiramdam magbuhat nang mawala sa'kin ang bestfriend ko. "Ms. Jeila?" nang isang tinig, nakita ko si Sir Ownel na nakatingin sa'kin. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya. Ano nga ba ang ginagawa ko rito? Gusto kong mapag isa? Makapag isip? Tahimik na lugar? "Ah, nagmumuni muni lang, ho." tugon ko. Nandito ako ngayon sa garden ng Caldwell, nung huling punta ko kasi rito ay nagaaway pa ang dalawang sina Yasser ay Zaylee. Naka upo ako sa may ilalim ng puno, malawak ito kaya naman talagang meron. "Maaari ba kitang samahan?" tanong niya na siyang ikinagulat ko pero kaagad din akong tumango. Naupo siya s