Chapter 21: Issues Jeila's POV Kahit anong pakikinig ang gawin ko sa instructor ay walang pumapasok na ideya sa utak ko, maliban sa makabagbag damdamin na pag uusap namin ni Sir Ownel. Aaminin ko, gumaan ang pakiramdam ko. Masarap palang may nalalabasan ka ng sama ng loob at mga hinanakit mo sa buhay. "Everyone!" sigaw ng instructor at nagsisunuran naman ang mga estudiyante sa kaniya. Pinapila kami sa labas, ang activity namin ngayon dito sa training room ay outdoor activities. Meaning maglalaro kami ng kung anu anong sports at magpapakapawis. "Today we will play soccer for you to exercise and make your legs strong!" sigaw niya pa sa'min. Ang iba ay naexcite, ang iba ay nanlumo, ang iba ay natuwa at ako naman ay walang pakialam. Sisipa lang naman kami dito, tsaka madali lang mambaly