NAKATINGIN ako sa television, nandito pa rin kami sa canteen at bumibili si Glecilda ng dessert namin, hindi pa rin ako tapos kumain dahil masarap ang ulam. “Ano kayang bibilhin ni Glecilda na dessert? Sana isa na lang ang bilhin niya hati—hati na lang din tayo.” “Sumunod ka kay Glecilda para sabihin mo sa kanya.” Sumubo ako ng pagkain ko habang nakatingin pa rin sa television. “Tinatamad nga akong tumayo, Lady.” “Chika time! Ayon sa nakalap naming information, ang sikat ng model na si Miss Venice Geronimo ay naka—in relationship sa isang sikat na male model na si Mr. Dustin Miguel...” Napahinto ako sa pagkain ko ng aking lunch nang marinig ko sa balita na may ka—relationship si Venice. “M—may new boyfriend siya?” bulalas kong tanong kay Amanda at tinuro ang television. Tinignan niy

