“MISTER LARKIN, aalis na po ako. Tapos na po akong maglinis sa room ninyo. Salamat po muli sa chocolate cake,” sabi ko sa kanya at yumukong lumabas sa kanyang office room. Sobrang busog ko tuloy. As in, busog na busog ako. Malaki rin ang slice ng cake na kinain ko. Tinulak ko na muli ang aking cart na dala para makabalik sa 9th floor at masabi kina Amanda ang Glecilda ang nalaman ko mula kay Mr. Larkin. “Girls, may nalaman ako,” bungad na sabi ko sa kanila nang makapag—biometrics na kami. Pauwi na kami ngayon at tapos na ang aming work. “May nalaman ka? Ano naman ang nalaman mo, Lady? Mosang ka na rin, ha?” Tinitigan ko nang masama si Amanda. “Sorry. Hindi ka naman mabiro. Tungkol saan ba niyang sasabihin mong nalaman mo, ha?” sabi niya muli sa akin. Lumabas na kami sa company at na

