“HELLO, excuse me? Si mylove so sweet ko rin ay magpapakilala. Go, mylove so sweet, pakilala ka rin sa parents ko and kina tita Barbara and tita Joli!” malakas na sabi ni Amanda at gumitna na siya. “Um, hello po. Ako po si Agustin Ferrer. Secretary po ako ni Mr. Larkin. Mahal ko rin po ang anak ninyo. Ang family ko po ay nagta—trabaho sa family ng mga Larkin. Secretary rin ang dad ko sa dad ni Mr. Larkin. Sa amin kinukuha ang susunod na secretary ng Larkin family. Nice to meet you po. Heto po ang lechon. May nanghihinging lechon sa labas ninyo po, mag—iinuman daw sila.” Nagkadabuhol—buhol na sabi ni Mr. Agustin. Kinakabahan din siya? “Mylove so sweet naman! Bakit ka kinakabahan, ha? Family ko lang itong nasa harapan mo. Kaya huwag kang mahiya” malakas na sabi ni Amanda at tinapik pa ang

