ISANG oras ang nakalipas nang huling nagchat si daddy Fabian sa akin, kaya bumalik na muna ako sa kʼwarto ko at chineck ang aking phone. Kinuha ko iyon at nakita ko ang ilang messages mula sa kanya, may miss calls pa nga. Mabilis kong dinampot iyon at binasa ang messages niya, tadtad. Daddy Fabian: Baby ko? Papunta na kami ni Agustin sa lugar ninyo. Nilagay namin itong address ninyo, dito lang ba kami bababa? Baby ko? Baby, busy ka na ba? Baby, bumili kami ng lechon ni Agustin, maging ang favorite mong ice cream cookies and cream. Bumili rin pala siya ng liempo, baby ko. Malapit na kami sa babaan, baby. Nagulat ako nang mabasa ang buong message niya. Nataranta ako kaya nagreply ako sa kanya. Lady Mae: Iʼm sorry, daddy Fabian. Nag—aasikaso kasi kami sa kitchen kaya hindi ko napa

