TWO days nang ma—anunsyo ang tungkol sa amin at kinonfirm ni daddy Fabian ang tungkol sa akin using his social media kaya kalat na ang face ko as his long time Fiancée. Nahihiya ako dahil hindi naman ako galing sa mayaman na angkan, pero sabi ni Mama ay huwag akong mahiya. Wala dapat mahiya kaya iyon ang iniisip ko palagi. Hindi dapat ako mahiya dahil mahal ako ni daddy Fabian ko. Napatingin muli ako sa post ni daddy Fabian. Nandoon ang collage pictures namin na ako ang gumawa para ma—i—post na iyon together with his captions. Siya talaga and gumawa ng captions niya, tinagalog niya para damang—dama ng mga magbabasa. Fabian Lark Magandang araw sa inyong lahat! Ako si Fabian Larkin ang owner ng Larkin Technology Company, na sinasabing totoo ang binalita kagabi tungkol sa pagkakaroon ko n

