“PAANO mo nahikayat ang mga kapitbahay natin na batuhin nila ng, ano ba ang binato nila sa tatlong iyon, Anne?” tanong ni Amanda nang makaupo kami sa sofa. Tinignan niya kami. “Kabababa ko lang sa traysikel, then nakita kong may sinusulat sila sa isang kotse, lipstick ang gamit nilang panulat then sinabi ni buknoy na may tatlong babaeng sumisigaw sa harap ng bahay ninyo kaya I ask them na batuhin ang mga iyon kaya iyon ang ginawa nila. Iyong binato nila? Tubig sa kanal at bulok na itlog,” sagot niya sa amin. “Yuck! Eew! Ang baho nuʼn!” sabi ni Amanda. “Mabaho talaga. Habang tinitignan ko kung paano sila kumuha ng tubig sa kanal, napapangiwi ako.” Napalunok ako sa kanyang sinabi, maging ako ay napangiwi. Hindi ko alam kung anong amoy nila once na pumasok sila sa kotse. Kadiri. “Dese

