ISANG linggo naʼng sumugod ang Venice na iyon. Akala niya siguro ay hindi ko siya pagtatabuyan, ha? Kakampi ko kaya ang mga kapitbahay namin, gaga siya! Gagawa pa siya ng kasinungalingan. Akala naman niya hindi ko siya kilala. Hello, same University lang kaming pinapasukan, Maravilla University. Kalat na kalat ang baho niya sa buong sulok ng campus, hindi dahil sinasabi ni Amanda sa akin kung ʼdi galing din sa mga suki ko roon. Pero, aminado akong nasaktan ako sa sinabi niya. First time ko lang kasi marinig ang salitang iyon tapos mula pa sa kanya. Sobrang sakit. Napatigil ako sa pagda—drama nang may aamoy akong maasim. Naglaway ako bigla kaya napalingon ako sa likod nang makita ko si Amanda na may dalang isang plastic. “Ano iyan, Amanda?” tanong ko sa kanya. Tinaas niya ang kanyang

