NANONOOD pa rin kami ni Amanda sa Sala namin nang may magbukas ng pinto, doon ay nakita namin sina Mama, tita Gina at tita Angel na may bitbit na box, mukhang nag—grocery sila. “Lady, Amanda, kumain na ba kayo ng tanghalian? Bumili kami ng pagkain, fried chicken, fries and sundae ninyo. Nag—grocery na rin kami dahil wala ng stocks dito maging sa bahay natin, Amanda!” sabi ni tita Gina nang makitang tatlong box ang nandoon. “Finally, Mama, tita Angel and tita Barbara ay dumating na kayo! Kanina pa namin kayo hinihintay na umuwi!” malakas na sabi ni Amanda sa kanila. Nakita ko ang gulat ng kanilang mukha nang malakas na nagsalita si Amanda. Grabe kasi ang lakas ng boses niya. “Hinihintay na umuwi? Bakit naman, Amanda? Ano na naman ang kailangan mo? Aalis na naman ba kayo ni Agustin?” “

