“ANONG sinabi ni Fabian, Lady?” tanong ni Mama nang makalabas ako sa aking kʼwarto. “Papunta na po siya ngayon, Mama. Bibili muna siya ng pagkain na ni—request ko po bago pumunta rito,” sagot ko sa kanya. “Mabuti naman kung ganoʼn... Kailangan mo agad magpa—check up bukas, Lady. Hindi na pʼwede ngayon dahil hapon na. Bukas ay kailangan maaga kang magising para makapunta tayo sa hospital, sa magiging obgyn mo na siyang magche—check sa iyo at sa baby mo every month or twice a month. Kailangan malaman natin kung ilang weeks na ang baby sa tiyan mo at kung healthy ba, iha. Lalo naʼt nagkaroon ka ng spotting,” paliwanag ni Mama sa akin kaya tumango ako sa kanya. “Maupo ka lang muna, Lady. Huwag ka muna magpapagod hanggang hindi ka napapa—check up.” dagdag din na sabi ni tita Gina. “Sana ay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


