MABILIS umikot ang kamay ng orasan at ngayon ay paalis na kami sa bahay ng parents ni daddy Fabian. “Iha, dapat dumalaw ka muli, ha? Dapat sa pagdalaw mo ay pregnant ka na, ha? I love you as my daughter in law,” sabi niya sa akin at hinalikan ako sa aking magkabilang pisngi. “We will, mom Cassy,” sabi ko sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko. “Sobrang strong mo, iha. Mukhang maganda ang pagpapalaki sa iyo ng parents mo kaya lalo kong gusto silang makita at makilala. Dadalaw kami sa bahay ninyo, ha? Gusto kong maging kaibigan ang mom mo, okay? Ingat kayo sa byahe,” nakangiting sabi ni mom Cassy sa akin. “We will po, mom Cassy. Thank you rin po sa pagtanggap sa akin. See you soon po, mom Cassy and dad Larry!” “Hihintayin namin iyon, iha!” sabi ni dad Larry sa akin. “Always kang welco

