INAASIKASO ko na ang aking gamit na dadalhin ko sa beach resort. Nakatingin ako sa hand carry maleta ko at iniisip kung ano pa ang need kong dalhin. Wala akong swimsuit, dahil hindi naman ako nagsusuot ng ganoʼn. Kaya tanging dalawang rashguard lang ang dinala ko, possible na hindi ko pa magamit paniguradong nakahubad lang kami buong stay namin doon, two days kami roon, bale afternoon Sunday kami babalik ng Manila. “Lady, nandito na si Fabian!” May kumatok sa pinto kaya binuksan ko iyon, nakita ko si Mama. “Dumating na si Fabian. Maayos na ba ang mga dala mo?” tanong niya sa akin. “Hindi ko po alam, Mama, kung maayos na itong mga dala ko,” sabi ko sa kanya. Pumasok siya sa loob ng room ko. “Ikaw talaga, Lady. Sinabihan na kita kung anong dadalhin mo, ʼdi ba?” Napakamot ako sa aking

