“LADY, maayos na ang burol ni tito Leo. N—nasa bahay ninyo na. Wala kaming ginastos sa kabaong at iba pang palamuti roon, maging ang pagkain. Bigay lahat ng family ng Lazaro.” anunsyo ni Amanda sa akin. “Hindi pa rin ba nagigising si tita Barbara?”
Umiling ako sa kanya. “Hindi pa, Amanda. Naghihintay rin akong magising siya. Nag—iisip din ako kung sasabihin ko ba ang totoo sa kanya. Kaya nag—decide ako kapag nalaman kong maayos ang lagay niya, sasabihin ko ang totoo. Kapag hindi, magsisinungaling muna ako hanggang bumuti ang lagay niya. Ayokong i—risk ang kalusugan niya.” paliwanag ko sa kanya.
Hinaplos niya ang aking likod. “Alam kong masakit, Lady. Alam ko kung gaano ko kamahal sina tito Leo and tita Barbara. Kapag pumupunta ako sa inyo, nakikita ko ang malaking ngiti mo, lumalabas na nga ang gilagid mo. . . Kaya alam kong sobra kang nasasaktan ngayon, Lady. Pero, isipin mo rin ang sarili mo. Hindi pʼwedeng pabayaan mo ang katawan mo ngayon. Kailangan ka ni tita Barbara kaya lakasan mo lang ang loob mo, ha? Nandito naman ako, kami ng parents ko, si tita Joli, si Anne, si tita Angel at mga kaklase natin. . . Sorry pala, n—nasabi ko na sa kanila. Ang kukulit kasi nila sa GC kaya wala na akong nagawa kung ʼdi sabihin ang tungkol sa nangyari. Sorry, Lady.”
Tinignan ko si Amanda, pero imbis na magalit ako ay ningitian ko na lang siya. “Itʼs okay, Amanda. Malalaman din naman nila ang tungkol sa nangyari kay Papa.” Huminga akong malalim. “A—alam ko ang sinasabi mo, Amanda. . . Kailangan kong magpakalakas para kay Mama, pero ayaw kumilos ng katawan ko, i—iba niyong sinasabi ng isipan ko sa aking katawan, ayaw sumunod. Gusto kong kumain nang kumain, pero ayaw gumalaw ng kamay ko. . . Ayaw rin gumalaw ng bibig ko, sa pagdaan ng pagkain sa aking lalamunan, pakiramdam ko ay wala akong nalalasahan. . . Para siyang tubig na dumadaan lang sa akin kaya hindi ko alam kung busog na ba ako, or what, Amanda. Ganoʼn ang nararamdaman ko nang pilitin ako ni tita Joli na kumain. . . Naubos ko, pero wala akong nalasahan ni—isa roon.” Humikbi na naman ako. “G—ganito pala ang nararamdaman ng bawat pamilyang namamantayan. . . Para na rin silang namatay.”
Niyakap ako ni Amanda, sobrang higpit. “Lady, nandito ako, kami, kaya if suko ka na, isipin mo palagi na, may purpose si God sa lahat, kaya huwag mong iisiping kinawawa ka ni God. Isipin mo isang pagsubok lamang ito at binigay sa iyo dahil alam niyang kakayanin mo. Kaya fight lang, ha? Malakas ka. Malakas ka, Lady!”
Naramdaman kong may tumulo sa aking balikat, umiiyak na naman si Amanda.
Kinabukasan, hindi pa rin nagigising si Mama. Nakatingin lamang ako sa kanya nang lagyan muli siya ng swero. “N—Nurse, maayos lang po ba talaga ang Mama ko?” tanong ko muli sa kanya.
Binigyan niya ako ng ngiti. “Yes po, Ms. Nuez. Maayos po si Mrs. Nuez. Hintayin na lang natin na magising siya kaya habang ganitong tulog pa siya, bantayan ninyo po muna at sabihan ako kung may kakaibang nangyari, nasa nurse station lang po ako. Laban lang po at dasal din dahil dinidinig niya ang mga panalangin.” mahabang sabi niya sa akin at umalis naa rin sa kʼwarto.
Naririnig ang mga dalangin?
Napatingin ako sa maliit na Santo Nino, ang Santo na nakalagay sa side car bike ni Papa. Naibigay na sa amin ang gamit na na—recover, pero ang mga tinda nila Papa ay hindi na pʼwedeng ibalik sa amin dahil gutay—gutay na raw ang mga gulay at iyong Tilapia na nilalako rin nila, nawala. Mukhang ninakawan pa kami ng paninda.
Iyong side car bike naman ni Papa ay pinapaayos ng mga Lazaro. Sobrang thankful ako kay SPO1 Lazaro dahil siya ang umako ng lahat ng kailangan namin na dapat ang driver ng tenth wheeler truck ang gumagastos.
Tumayo ako at kinuha ang Santo na iyon. “Santo Nino? Kung totoo ka talagang nakikinig sa mga panalangin namin. . . Dinggin mo naman ang panalangin ko. . . Pakinggan mo naman ako, ako na muna ang tignan mo sa ngayon dahil ang dalangin ko ay magising na si Mama at matanggap niya ang nangyari kay Papa. Please naman, ako naman unahin mo. . . Ngayon lang, Santo Nino.” Kausap ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang mukha. “Kung talagang nakikinig ka sa aming panalangin. . . Dinggin mo ang akin.” Paulit—ulit kong sabi habang binubulong kay Santo Nino ang lahat—lahat.
Bandang alas—diyes nang umaga nang maka—receive ako ng video call from Amanda.
“Lady, ayos ka lang ba dʼyan sa hospital? Papunta na kami ni Mama ngayon para sunduin ka. Si Mama na muna magbabantay kay tita Barbara at para makita mo ang burol ni tito Leo. Kaya hintayin mo lang kami, magta—traysikel na kami ni Mama papunta sa Lazaro Hospital. Si tita Joli ay nasa trabaho pa niya, hindi pa nakakauwi.”
Tumango ako sa sinabi ni Amanda. “Thanks, Amanda. Ingat kayo ni tita Gina.”
“Wala iyon. May dala rin pala akong pagkain para sa iyo at prutas naman para kay tita Barbara. Alam ko namang matabang ang pagkain sa hospital.” Ngumiti na lamang ako sa kanya. “Oh, siya, aalis na kami.” Kumaway na lang ako sa kanya at namatay na rin ang video call naming dalawa.
Tumayo ako at nilapitan si Mama. “Ma, uuwi muna ako, ha? Babalik din agad ako.” Hinaplos ko ang kanyang kamay at hinawakan iyon nang mahigpit.
Hindi ako umalis sa tabi niya habang hinihintay na dumating sina tita Gina and Amanda. Iniisip ko pa lamang na uuwi ako para makita si Papa ay naninikip na naman itong dibdib ko. Ayoko pa kasing makita si Papa na nasa casket na.
Hindi ko pa rin talaga matanggap.
Hindi pa rin talaga.
“Lady. . .”
I heard a voice calling my name. Napalingon ako at nakita ko silang naka—black shirt. “Iha, ako na muna bahala kay Barbara. Kami muna ni Anne ang magbabantay rito, darating din siya mamaya kapag dumating na kayo sa bahay ninyo.” Ningitian ako ni tita Gina. “Magpahinga ka, ha?” dagdag niyang sabi sa akin at tinapik pa ang aking braso.
“S—salamat po, tita Gina. Sobrang nahihiya po ako ngayon. . . Kayo po ang nag—aasikaso sa lahat, sa libing ni Papa at sa amin ni Mama,” mahinang sabi ko sa kanya.
“Lady, wala iyon. Alam mo ba noong mga dalaga pa kaming tatlo, nangako kami sa isaʼt isa kung may mauuna sa amin, sila bahala sa pamilyang mayroʼn kami lalo na sa mga anak namin. Kaya ngayong nandito kayo sa kalagayan na ʼto, tutulong kami ni Anne. Kami ang bahala kay Barbara. Kaya huwag kang mag—alala.” Ningitian ni tita Gina si Mama na until ay hindi pa rin nagigising.
“Salamat po talaga, tita Gina.”
“Wala iyon. Kumain ka muna bago kayo umalis ni Amanda.” Tinuro niya ang naka—styro na pagkain, kaya kinain ko muna iyon at umalis na rin nang matapos.
“Lady, kapag kailangan mo ng kausap, nandito ako at si Angel, ha? Nagsearch ako about sa depression, nakamamatay raw iyon kaya nag—aalala kami sa iyo na baka maisipan mong bawian ang buhay ko dahil sa nangyayari ngayon—”
“Sira!” suway ko sa kanya. “Masama ang magpatiwarakal, Amanda. Hindi ko rin gagawin iyon dahil kapag ginawa ko at nagkita kami ni Papa sa langit, awayin niya lang ako. Sasabihin niya sa akin, bakit ko iniwan si Mama? Sino ang mag—aalaga kay Mama? Mahal na mahal niya si Mama, Amanda. . . Then, impossible rin na magkita kaming dalawa at baka sa impyerno akong mapunta kapag ginawa ko iyon. Gusto ko rin ipakita kay Papa na gagawin ko ang best ko para alagaan si Mama at makapagtapos sa kurso natin, ang IT. Gusto kong ipakita sa kanya ang diploma ko, Amanda, kaya lalaban ako para sa akin at kay Mama.” mahabang sabi ko sa kanya.
Nagulat ako nang yakapin ako ni Amanda. “Sobrang strong mo talaga, Lady. Nandito lang din kami ni Angel. Tutulungan ka namin.” Natawa ako nang napasinghot siya.
“Thanks a lot, Amanda. Oh, tumunog na itong beeper.” Tinaas ko ang bilog na bagay, binigay ito sa amin nang mag—take out kami ng pagkain. Bumili ako ng pagkain para kay Papa, favorite niya ito kaya ilalagay ko sa itaas ng kabaong niya. Spaghetti and burger, kapag malaki ang kita nila sa paglalako ay bumibili siya nito para raw maibsan ang pagod niya. Gustong—gusto niya ito. Huminga akong malalim at napatingin sa itaas nang maramdaman kong babagsak na naman ang luha sa aking mga mata.
Nakuha ko na rin ang inorder kong pagkain, nagdagdag na rin ako ng spaghetti para sa amin at para na rin kina tito Ariel, tita Joli and Anne. Lumakad na lang din kami pabalik sa amin. Lumalalim ang aking paghinga nang makaliko na kami sa street ng bahay namin. Malayo pa kami roon pero ang bahay namin ay mailaw na ang labas, hudyat na lamay roon.
“Lady, be strong.” Hinawakan ni Amanda ang kamay ko, ningitian niya ako kaya ngumiti rin ako pabalik.
“I am. Strong ako, Amanda. Wala ito.” Paulit—ulit kong sabi sa kanya.
“Condolences, Lady!”
“Condolence sa family mo, Lady!”
Naririnig mo ang mga simpatya na sinasabi ng mga kapitbahay namin, tumatango na lamang ako sa bawat salitang naririnig ko hanggang nandito na ako sa tapat ng bahay namin, walang pinto at sobrang liwanag.
“Lady!” sigaw ni Anne sa pangalan ko. “Mama, sina Lady at Amanda ay nandito na po.” dagdag pa niyang sabi.
Nakita ko ang pagsilip ni tita Angel na may dalang sandok. “Dumating na pala kayo. Tignan mo na si Leo, Lady. Mukhang kahapon ka pa niya hinihintay. . . Alam mo ba kung bakit? Panay hulog ng picture mo kagabi. Kaya sige kumustahin mo na ang Papa mo. Sabihin mo ang gusto mong sabihin sa kanya.” Ningitian ako ni tita Angel kaya tumango ako sa kanya.
Kinuha ko sa paper bag na hawak ni Amanda ang spaghetti at burger ni Papa, lumapit ako sa kabaong niya, binuksan ko ang spaghetti at burger na hawak ko para makita niya. “Pa? Sorry kung ngayon lang dumating, ha? Inasikaso ko pa si Mama. . . Baka naman pasabi kay Mama na gumising na siya bago ka naming ilibing sa Sunday. Alam kong gusto ka rin niya makita. . . Maihatid sa huling hantungan mo kaya sana magising na rin siya.” Pinunasan ko ang aking pisngi. “Papa, I love you. Kain ka na dʼyan, nagdala ako ng favorite mong spaghetti and burger, paniguradong pagod ka kung saan ka man naglalakbay ngayon, kaya kain ka muna.” Ngumiti ako sa kanya at hinalo ang spaghetti then inikot ko iyon gamit ang tinidor, kunwaring susubuan ko siya.
Naalala ko tuloy ang mga ngiti niya kapag nakakain siya nito. Miss ko na ang tawa niya. Miss ko na ang matamis na ngiti ni Papa.
Miss ko na si Papa.