THIS is a second to the last day ng burol ni Papa. Two days before his last day pero hindi ko pa rin masabi kay Mama ang tungkol kay Papa, kasi until now ay hindi pa rin siya nagigising. Sinabi naman ng doctor and nurses naa nagche—check sa kanya ay umookay na siya, kaya nasa pasyente na lamang kung magigising na siya this week. Pero, kahit magising siya ay hindi ko alam kung makakaya ko bang sabihin ang tungkol sa nangyari kay Papa.
Wala akong lakas. Ayokong makitang iiyak si Mama kapag nalaman niyang wala na si Papa, na iniwan na niya kami.
Pero, mayroʼn sa dibdib ko na dapat sabihin ko ang totoo para makasama naman niya si Papa kahit wala na siya sa amin, pero paano kung hindi pa rin talaga siya nagigising. Kinakausap ko ka rin, maging sina tita Jolie, tita Gina at tita Angel, sila ang palaging kumakausap kay Mama na sinasabing gumising na siya dahil miss na miss na namin siya.
Sana talaga ay magising na siya dahil two days before namin ilatak sa cemetery ang labi ni Papa. Gusto ko mang i—extend ang lamay ni Papa, pero hindi na pʼwede. Alam na ng funeral na nag—asikaso kay Papa na sa Sunday talaga ang libing, maging ang kapitbahay namin. Hindi na namin iyon maibabago pa.
“Lady Mae.” Napalingon ako sa aking gilid nang marinig ko ang boses ni Amanda. Nakasuot siyang uniform namin sa Maravilla University.
“Kumusta ang campus?” tanong ko sa kanya.
“So—so. Ganoʼn pa rin naman sa MU. Ay, oo nga pala!” Nakita kong may kinuha siya sa kanyang bag. “Abuloy ng mga Professor natin, classmates, ka—course and iyong mga bumibili sa iyo palagi ng mga tinda mong gulay. Nalaman nila ang nangyari kay tito Leo kaya para sa iyo raw. Patatag ka, iyon ang sabi nila sa akin habang nagbibigay sila ng abuloy.” sabi niya sa akin at inabot ang isang puting envelope.
“T—thanks, Amanda. Pakisabi sa kanilang lahat ay thank you rin.” Kinuha ko iyon dahil alam kong malaking bagay iyon sa amin.
“Wala iyon. Oo nga pala, Lady, ang ibang classmates and Professor natin ay pupunta bukas sa last lamay... Kumain ka na ba? Bumili ako ng beef mami sa may kanto, may itlog na rin ito. Kain tayo?” Tinaas niya ang plastic na hawak niya. “Binawas ko sa abuloy ang pagbili nito—charing! Joke lang, Lady, ha? May takot pa naman ako tito Leo, baka multuhin ako ng wala sa oras. Tito Leo, joke lang po iyon, ha?” Nag—peace sign siya kay Papa.
“Sira ka talaga.”
“Gusto lang kitang patawanin. Kaya tara kain muna tayo. Hindi naman mawawala si tito Leo sa kabaong niya, kasi kapag nawala si tito Leo, ay, Lady, lahat tayo ay tatakbo rin ng wala sa oras!” malakas niyang sabi at tumawa nang malakas kaya napailing ako sa kanya.
Lumakad na kami sa kusina namin, nandoon si tita Angel na magluluto ng pancit para mamayang gabi kaya si tita Gina na ang nakabantay kay Mama ngayon. Si Amanda ang nag—asikaso ng beef mami ko, maging si Anne ay nandito na naggagayat ng mga gulay para sa pancit.
“Tita Angel and tita Joli, kain po muna kayo ng beef mami. Masarap po ito lalo na kapag mainit.” Yaya ni Amanda sa kanila. “Si Anne po ay kumakain na. Akala mo ay pagod na pagod, sibuyas at bawang pa lang naman iyong nagagayat niya!” sumbong ni Amanda at tinuro si Anne.
“Ang daming sibuyas at bawang nito. Tamang—tama ay nandito ka na, tulungan mo kong maggayat sa mga gulay. Ang dami pa nito!” Ungot niya at tinuro ang mga gulay na naka—line-up sa kanya.
“You can do it, Anne!”
“Gaga ka talaga, Amanda!”
Napailing na lamang ako sa kanilang dalawa kung paano sila magbangayan ngayon. “Anne! Amanda! Manahimik kayo! Hindi na kayo nahiya kay Leo, baka magising iyon at pagalitan ka—”
“Mama naman!”
“Tita Angel, huwag naman po! Takot ako sa multo kahit si tito Leo iyon!”
sabay nilang sabi kaya natawa ako sa kanila. Pareho silang takot sa multo.
Natapos na naman ang kalahating araw, malapit na muli lumubog ang araw at magpapadasal na muli kami para kay Papa, araw—araw namin ginagawa ito pwera pa raw kapag nailibing na si Papa, kailangan din magkaroon ng padasal sa loob ng siya na araw.
“Lady, handa na raw iyong magmimisa. Kaya tara na?”
Tumango ako sa kanya at nag—umpisa na muli ang misa para kay Papa. “Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng Grasya...” Napahinto ako sa pagbigkas nang may binulong si Amanda sa akin.
“A—ano? G—gising na si Mama?” mahinang tanong ko sa kanya, kung tama ba ang dinig ko sa kanyang bulong.
Tumango siya sa akin. “Iyon ang chat ni Mama sa akin ngayon—ngayon lang, Lady.” Napatingin siya sa paligid at pinakita ang phone niya. “Heto, oh. Dalian mong basahin.” mabilis niyang sabi habang napatingin siya kay Father.
“Totoo ba iyan? A—ano raw ang lagay niya? A—ayos lang ba siya?” Pinipilit kong hinaan ang aking boses para hindi mapunta ang direksyon ng kanilang tingin sa akin.
“Wala pang reply mula kay Mama, Lady. Baka tinitignan pa ng mga nurse and doctor si tita Barbara. Hintayin na lang natin na mag—reply si Mama, ha?” sabi niya sa akin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. “S—sana magreply na si tita Gina. Sana okay lang talaga si Mama.” bulong ko muli sa kanya.
“Tiwala lang, Lady.” Hinawakan ni Amanda ang kamay ko nang mahigpit.
Nang matapos ang padasal namin ay kumakain na ang lahat ng pansit na niluto nila tita Angel. Kumakain na rin ako habang nakatingin sa kabaong ni Papa hanggang bukas ko na lamang makikita and the day after tomorrow ay dadalhin na namin siya sa huling hantungan niya. Iniisip ko pa lamang iyon, sumasakit na ang dibdib ko.
Sana ay bumagal ang takbo ng oras.
Napalingon ako nang may marinig na komusyon sa labas ng bahay namin. “Leo! Leo!” Napatayo ako nang marinig ang pamilyar na boses.
“A—Amanda, n—nagreply ba si tita Gina sa iyo?” pagtatanong ko sa kanya habang ang tingin ay nasa hamba ng pinto namin.
Nakita kong kinuha niya ang kanyang phone at chineck iyon. “Wala, Lady. Naka—open ang data ko kaya makaka—receive ako ng chat mula kay Mama—Hala! Totoo ba itong nakikita ko, Lady? S—si tita Barbara!”
Hindi ako makagalaw habang napako ang tingin ko roon. “Ma?” Nagulat ako nang makita siyang nasa hamba ng pinto namin. Lumakad ako palapit sa kanya. “Ma, bakit lumabas agad kayo—” Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang dumaan siya sa gilid ko, hinabol ko siya ng tingin at nakita ko siyang niyakap ang kabaong ni Papa.
“L—Leo? Leo!” Sinigaw ni Mama ang pangalan ni Papa habang yakap pa rin ang kabaong.
“Leo! Bakit mo ko iniwan! Leo, bakit?”
Nanginginig ang aking labi habang tinitignan si Mamang nagwawala sa harap ng kabaong ni Papa.
“Leo, bakit mo kami iniwan? Leo? Bakit?” paulit—ulit na sabi ni Mama habang ako ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko.
“M—ma? Mama...” Naihakbang ko na rin ang paa ko at hinagod ang likod niya. “Mama... B—bakit lumabas ka agad? K—kagigising mo lang daw sabi ni tita Gina. Mama?” Nanginginig ang boses ko habang kinakausap ko siya.
“Leo... Pakiusap, bumangon ka dʼyan! Pakinggan mo ko! Bumangon ka dʼyan!” malakas na sabi ni Mama kaya hindi ko na rin kinaya kung ʼdi umiyak habang yakap siya.
“Mama... Tama na. T—tama na, Ma. A—alam kong sobrang sakit para sa iyo ganoʼn din sa akin. H—hindi ko kinaya nang malamang na—aksidente kayo sa intersection. Kaya tama na, Mama. Kagagaling mo lang sa hospital, please. M—magpahinga ka muna.”
Tumigil siya sa pagsasalita at nilingon niya ako. “S—sorry, Lady. Sorry kung mag—isa kang nag—asikaso sa lamay ng Papa mo. Sorry kung ngayon lang nagising si Mama, ha? Sorry—”
“No, Mama! Wala ka dapat ika—sorry. B—basta magpagaling ka lang, ha? W—wala tayong kailangan bayaran sa hospital bills mo, maging dito sa lamay ni Papa, Mama. Kaya magpagaling ka para sa akin at kay Papa.” Pilit kong pinapakalma si Mama.
“Patawarin mo ko, Lady. N—nang marinig ko sa isang nurse na patay ang Papa mo, tumakbo ako pauwi rito para malaman kung totoo ba... T—totoo nga!” muling si Mama at niyakap na niya ako. “N—natatandaan ko kung paano ako sagipin ng Papa mo—”
“Huwag mo na i—kʼwento, Mama. Alam kong masakit pa para sa iyo kaya magpahinga ka muna.”
Sinenyasan ako ni tita Gina na dumating na raw ang doctor and nurse ni Mama. “Ma, magpa—check up ka muli... D—Dumating ang mga doctor and nurse para sa iyo.”
“A—Ayokong sumama sa kanila.” Napakapit si Mama sa damit ko.
“Hindi ka nila sasaktan, Ma. Sila ang tumitingin nang panahong hindi ka nagigising. Mababait silang lahat. Pa—check up ka para malaman natin kung maayos ka na talaga at tatanungin natin kung pʼwedeng dito ka na mag—stay hanggang maihatid natin sa huling destination si Papa at babalik tayo sa hospital, para i—overall checkup ka, Mama. Okay po ba sa inyo ʼyon?” tanong ko sa kanya.
Tinignan niya ako at maging ang mga nurse and doctor sa likod. “A—ayos lang sa akin, Lady. B—basta hindi ako aalis sa harap ng kabaong ni Leo.”
Tumangong ngumiti ako sa kanya. “Oo naman po, Mama. Babantayan natin si Papa sa nahuhuling dalawang araw niya rito, Mama.” sabi ko sa kanya at naupo na kami sa plastic chair para i—check up na siya.
Sana maging okay lang ang diagnose sa kanya para hindi siya dalhin sa hospital. Hindi ko rin alam kung sasama siya sa mga nurse and doctor once na sabihing need niyang bumalik sa hospital.