CHAPTER 7

1739 Words
NGAYONG araw ay ang libing na ni Papa. Maaga pa lamang ay naghahanda na kami para sa huling hantungan niya. Si Mama? Hindi pa rin siya makausap nang maayos. Always siyang nasa harapan ng kabaong ni Papa sa loob ng apat na araw nang magising siya. Naaawa ako kay Mama dahil always niyang bukambibig ang pangalan ni Papa. Pero, anong magagawa ko? Hindi na namin pʼwedeng mabuhay si Papa. Wala na talaga. “Lady, handa na ang lahat. Nasa labas na rin ang tatlong jeep na sasakyan ng mga makikilibing,” sabi ni Amanda sa akin. “Handa na pala ang lahat.” “Yes, nandʼyan na rin iyong staff ng funeral,” dagdag niyang sabi sa akin. Napatingin ako sa kabaong ni Papa. Magpapaalam na talaga kami sa kanya. Hinawakan na ni Amanda ang aking kamay at lumabas na kami, kinakausap na nina tita Gina at tita Angel ang mga staff ng funeral na ito. Si Mama ay tulala pa ring nakatingin sa kabaong ni Mama, kaya nilapitan namin siya. “M—Ma, Um, a—aalis na tayo. K—kailangan na nating ihatid si Papa sa huling hatungan niya. Kaya tara na?” Heto na naman ang mga mata kong nag—uulap dahil sa nagbabadyang luha na tutulo sa aking mga mata. “A—ang Papa mo, Lady... Ang Papa mo... Paniguradong namimiss na niya tayo. Nalulungkot na siya kung nasaan man siya ngayon. Lady, namimiss ko na talaga siya.” Niyakap ko si Mama galing sa likod niya. “Ma... Paniguradong masaya na si Papa kung nasaan siya man ngayon. Paniguradong nakikita niya tayo ngayon. Miss ko rin naman siya, Ma. Sobrang miss na miss ko na rin siya.” sabi ko sa kanya. “Tayo na lang dalawa ang magkasangga ngayon, Mama. Tayong dalawa na lamang.” Dumating na rin kami sa private cemetery kung saan siya ilalagak habang buhay. Sponsor ito ng mga Lazaro sa lahat ng mga namatayan dahil sa aksidente, wala kaming binayaran kahit Piso. Nagkaroon ng misa bago ang mismong libing ni Papa hanggang mapunta na sa message ng family at sa akin nauna dahil ayaw magsalita si Mama, nakaupo lamang siya habang hawak ang malaking picture frame ni Papa. “Hi. Maganda umaga po sa lahat. Iʼm Lady Mae, nag—iisang anak ni Mister Leo Nuez.” Napatingin ako sa kabaong ni Papa. “Si Papa? Um, heʼs the best dad for me. No one can replace him sa heart na amin ni Mama... Kaya, Papa, kung nasaan ka man ngayon, we will always wanna say na sobrang mahal ka namin at nasa puso namin palagi... Oo nga po pala, Papa. Huwag kang mag—alala sa amin ni Mama. Gagawin ko ang best ko para maalagaan siya. Gagawin ko rin ang best ko para makapagtapos ng pag—aaral. Iaalay ko iyong diploma ko sa iyo. Kaya guide us kung nasaan ka man ngayon. Papa, mahal na mahal kita. . . Sobra—sobra. Kahit sobrang ikli ng pag—stay mo rito sa lupa ay marami akong memories na ibabaon, si Mama at maging ang mga kaibigan mo, ang daming sumama sa libing mo, Pa. Sana makita mo ito. Maraming nagmamahal sa iyo. I love you, Pa. Paalam for now, because I know na magkikita muli tayong tatlo nila Mama, nauna ka lang sa amin. Mapayapang paglalakbay, Pa! Mahal ka namin ni Mama!” Hindi ko na napigilang mapaiyak, sunod—sunod ang luha ko na halos mapaupo na ako dahil hindi ko na kaya. Kahit sabihin kong tanggap ko na, pero hindi pa rin talaga ako okay. Hindi ko pa rin matanggap na kami na lamang ni Mama ang nandito, na kami na lamang ang magkasanggang dalawa ay hindi pa rin talaga kaya ng puso ko. Ayaw pa rin talaga tanggapin ng aking puso ang pagkawala ni Papa. “Lady, come on?” Napataas ang tingin ko at nakita ko ang paglahad ni Amanda ng kanyang kamay sa aking harapan. “Tissue?” tanong niya sa akin. Kinuha ko iyon at tumayo na rin. Naupo ako sa tabi ni Mama, niyakap niya akong mahigpit. “Itʼs okay, Lady. Mama is here. Iʼm always here for you.” Sa pagsabi ni Mama ay muling bumuhos ang luha ko habang yakap—yakap niya ako ngayon. Isang comfort lang ni Mama ay lahat ng tinatago kong pain ay nailabas ko. Buong libing ni Papa ay umiyak ako nang umiyak hanggang kami na lamang ang natira rito, kami nina Mama tita Joli, pamilya ni Amanda at pamilya ni Anne. Kami na lamang pero hindi pa rin nauubos ang iyak ko. “Tara na? Maayos ka na ba?” pagtatanong ni Mama sa akin. Mugto rin ang mga mata ni Mama pero pilit niyang ngumi—ngiti sa akin. “Kaya natin ito, Lady. Kakayanin natin na wala na ang Papa mo. Mahal kita, anak.” sabi ni Mama sa akin at muli na namang bumulusak pababa ang aking luha. Niyakap ko siya nang sobrang higpit na parang ayokong mawala rin siya sa akin. Ayoko. Isang linggo naʼng mailibing namin si Papa. Hindi nagsasalita si Mama at hindi rin siya gaano kumakain. “Ma? Papasok na po ako. Nag—iwan na ako ng pagkain sa lamesa. Kumain po kayo nang marami,” sabi ko sa kanya. Pa—siyam ni Papa nang mag—umpisang hindi siya nagsalita. Tikom ang kanyang bibig at tanging tango at iling lamang ginagawa niya kapag nagtatanong kami. Natatakot tuloy kami na baka may gawing masama si Mama kaya tinatago ko ang mga matatalim na bagay sa bahay namin at pumupunta rin si tita Gina and si tita Angel para tignan si Mama at kausapin nila, pero katulad nila ay tanging tango at iling ang kanyang ginagawa. Tinignan ako ni Mama. “M—mag—iingat ka, Lady.” mahinang sabi niya at ningitian ako, pero hindi umabot iyon sa kanyang mga mata. Napangiti ako nang marinig ko muli ang boses niya. “I will, Mama. I love you. Sorry kung tinago ko about kay Papa—” Inilingan niya ako. “Wala kang kasalanan, Lady. Pumasok ka na.” Pinunasan ko ang aking pisngi at tumango sa kanya. “Opo, Ma. See you later.” sabi ko at lumabas na sa bahay. Mag—isa si Mama sa bahay pero pupunta naman si tita Gina para kausapin si Mama at samahan siya habang wala ako. Naglalakad na ako ngayon habang dala ang mga gulay na tanim namin, simula bumalik ako sa campus ay nag—uumpisa na muli akong magbenta ng gulay sa kanila. Dinagdagan ko ng five pesos ang bawat presyo ngg mga gulay ko. “Huy, Lady, tulungan na kita. Sino naman ang bumili sa iyo? Dapat nagtataas ka naʼng presyo ng mga gulay ninyo.” Napahinto ako at nakita ko si Amanda na tumatakbo palapit sa akin. “Thanks, Amanda. Nagtaas na ako ng five pesos. Kung magtataas pa ako ay baka wala ng bumili pa,” sabi ko sa kanya. “Wala agad bibili? Five pesos pa nga lang ang dagdag para sa transportation na ginagamit mo. Dapat nga nag—ten ka na, magtaas ka na muli, paniguradong maiintindihan nila iyon.” Pagpupumilit niya sa akin. “Magtatanong muna ako sa mga suki ko, Amanda. Pero, kung magtataas ako ng paninda, kasama ka roon.” Nakangiting sabi ko sa kanya “Aba, ayos lang. Ten pesos lang naman ang dagdag ng lahat kaysa roon sa palengke na ang laki ng dagdag, akala mo may mutation ang mga gulay at prutas doon, tinalo pa ang nilalaro ko sa phone sa sobrang mahal ng paninda!” Naiiling na sabi niya sa akin. “Sira ka talaga, Amanda. May kinahuhumalingan ka na naman na laro, kaya ba ang kapal na naman ng eyebags mo?” Tinuro ko ang mukha niyang kulang sa tulog. Napakamot siya sa kanyang buhok. “Ah—eh...” “Kahit huwag mo ng sagutin, Amanda. Mukha naman, eh—” “Finally, naabutan ko kayong dalawa, Lady and Amanda!” Napahinto kami sa pagtawid sa kalsada nang may malakas na tumawag sa amin, nakita namin si Anne na tumatakbo palapit sa amin ngayon. “Same schedule pala tayo kapag Monday?” pagtatanong niya nang makalapit siya sa amin. “Late ka kasi pumapasok, Anne. Kaya hindi mo kami naaabutan ni Lady na pumasok. Hindi lang Monday ang same schedule tayo, Wednesdays and Fridays too!” Tinignan ko si Amanda. “Always ka ring late minsan, Amanda, right?” “Lady naman!” Narinig ko ang pagtawa ni Anne dahil sa sinabi ko. “Hey, come on, pumasok na tayo at baka ma—late pa tayong tatlo. Ibibigay ko pa itong mga gulay sa mga suki ko,” sabi ko sa kanila. Sa nakalipas na araw, ang iilang salita ni Mama ay pakonti—konti na rin. “Lady, subukan ulit nating dalhin sa hospital si Barbara? Napapansin namin ni Angel na lalo siyang tumatahimik at nakatingin lamang siya sa picture frame ni Leo. Nababahala na kami para sa sarili niya.” Napatingin ako kay Mama na nakatingin sa television ngayon na nanonood habang yakap ang picture frame ni Papa. “Um, sige po—” “Wala akong sakit. Ayoko sa hospital. Dito lang ako sa tabi ni Leo. Manonood kami rito ng dalawa. Ayoko sa hospital.” Nagulat kami nang magsalita si Mama, paulit—ulit ang kanyang sinasabi. “Barbara, gusto lang namin malaman kung maayos ka lang ba talaga—” “Maayos ako! Sobrang maayos ako! Hindi ako nasisiraan ng bait! Bakit ba ayaw niyong maniwalang kasama ko ngayon si Leo, ha? Nasa tabi ko ang Papa mo, Lady! Hindi niya tayo iniwan! Kaya hayaan niyo kaming dalawa!” sigaw niya sa amin at nanlilisik ang mga mata niya habang nakatingin sa amin. “Ayoko sa hospital!” Tumango ako sa sinabi ni Mama. “Opo, Mama. H—hindi ka namin dadalhin sa hospital. Manood na lang po kayo.” Ngumiti ako sa kanya. Humarap na muli siya sa television at nagtinginan muli kami ni tita Barbara. “Paano po natin siya dadalhin kung ayaw niya?” mahinang tanong ko sa kanya. Siguro naman walang mali kay Mama. Paniguradong nag—a—adjust pa siya pagkawala ni Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD