DALAWANG buwan ang nakalipas nang mapansin naming nagsasalita si Mama nang mag—isa. “Leo, magtitinda ba tayo ngayon? Malakas ang ulan at baka ma—aksidente tayo. Walang pasok si Lady Mae, magluluto ako ng sopas ng paborito niyong mag—ama.”
Napatingin kami ni tita Joli kay Mama na nagsasalita ngayon habang nakaharap sa picture ni Papa.
“M—Ma? Ma, sinong kinakausap mo?” tanong ko sa kanya.
Napalingon ako sa paligid, walang tao pwera sa aming dalawa. “Ang papa mo, Lady. Ang papa mo ang kausap ko! Ako ka ba naman bata ka! Gumalang ka nga sa Papa mo!” malakas niyang sabi at tinuro ang nasa harapan niya—ang picture frame ni Papa.
Napalunok ako nang magsalita muli siya. “Leo, mukhang pagod ang anak natin dahil sa pag—aaral niya. Hindi pa rin kasi nagbabago si Lady... Nagtitinda pa rin siya sa campus nila ng mga tanim mong gulay, sobrang sipag ng anak natin. Kaya nga sabi ko sa iyo kahit wala ang tulong nila ay mabubuhay tayong masaya... Talaga ba, Leo, pahinga tayo ngayon? Mabuti naman at ganoʼn. Delikado at baka may mga kaskaserong driver sa daan at ma—aksidente. Oh, siya, dumito ka lang at manood ng paborito mong palabas, magluluto naman ako.” Nakangiti si Mama habang nagsasalita siya sa harap ng picture frame ni Papa.
“M—Ma—” Tatawagin ko sana siya nang dumaan siya sa aking harapan, pero pinigilan niya ako.
“Bantayan mo ang Papa mo, Lady. Magluluto na ako ng sopas.” Nandoon pa rin ang malaking ngiti niya at gumawi na siya sa kusina.
“T—tita Joli, kailangan na po ba natin siyang dalhin sa hospital muli? Habang tumatagal ay lumalala po siya,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pag—aalala sa mukha ni tita Joli. “Kailangan muli natin siyang dalhin sa hospital at ipa—check sa mga eksperto about sa kalagayan niya. Hanggang ganito pa lamang ang nangyayari ay mas mabuting agapan agad at huwag ng mapunta sa malubha.” Tumango ako sa kanyang sinabi. “Oh, siya, Lady, dʼyan ka na lang muna sa sala ninyo at tutulungan ko naman magluto si ate Barbara.” dagdag pa niyang sabi sa akin.
Teka, parang ayokong lumapit sa sala namin. What if may multo talagang nakikita si Mama? Teka, Papa mo naman iyon, ʼdi ba?
Pero, paano kung ibang kaluluwa iyon at nagpapanggap lamang na si Mama.
Natatakot na ako.
“Leo, alam mo ba si pareng Ariel ay hinahanap ka kanina. Sinabi ko ngang nasa kʼwarto ka natutulog, pero ayaw maniwala sa akin. Patay ka na raw? Impossible naman iyon kung ganoʼng nakakausap kita.”
Nakatingin lamang kami kay Mama kung paano niya kausapin ang picture frame ni Papa.
“Maglalako ba tayo bukas? Kukuha rin ba tayo ng tilapia? Nakakatakot ang tilapia ngayon, may mga bangkay raw roon na nilubog sa palaisdaan. Ano na ba ang nangyayari sa mga tao ngayon? Kaya huwag muna tayong kumuha at wala rin naman din bibili, natatakot ang mga tao baka hindi lang natin maibenta nang maayos iyon. Malay ba nating may laman ng tao iyong tilapia kakainin natin, ʼdi ba? Pero, sana hoax lamang iyon. Masarap pa man din ang tilapia, favorite pa man natin kainin iyon, mapa—prito, paksiw or inihaw. Doon mo nga ako nakuha, ʼdi ba?”
Pinapanood pa rin namin si Mama na nagku—kʼwento sa mga nangyayari sa Pilipinas ngayon.
“May narinig pala akong balita noong dalawang buwan ang nakakalipas... May nangyaring aksidente pala dʼyan sa intersection, mabuti na lang ay hindi tayo nadamay.”
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang marinig ang sinabi ni Mama.
“Oh, bakit umiiyak ka, Lady? Anong nangyari sa iyo? Napaso ka ba dahil sa sopas? Naku kang bata ka! Sabing mainit pa niyan at talagang mapapaso ang dila mo! Uminom ka ng tubig!” Sinalinan niya ang baso ko nang malamig na tubig. “Hala, sige, uminom ka!” sabi niya sa akin at muling tumingin sa side ng picture frame ni Papa. “Tignan mo, Leo, mana talaga sa iyo ang anak natin.” Tinuro pa ako ni Mama.
“Um, Ma? P—pa—check up muli tayo sa Lazaro Hospital?” Naglakas—loob na akong magsabi sa kanya.
Napalingon siya sa akin. “Check up? Bakit kailangan kong magpa—check up? Wala naman masakit sa akin. Wala rin akong sakit. Ay, aba, Leo! Bakit pinagtatawanan mo ko? Wala naman talaga akong sakit. Ikaw itong mas matanda sa akin ng dalawang taon, ʼdi ba?” Pinagpapalo ni Mama ang picture frame ni Papa ngayon.
“Ma, hindi naman po ibig sabihin na once pina—check up ka ay may sakit ka na po. I want to assures na ayos lang po kayo sa nangyari—” Hinawakan ni tita Joli ang braso ko at umiling sa akin, kaya tumango ako. “Ah—eh, monthly checkup po ito... para malaman kung magkakaroon na kayo ng maintenance, Itʼs either sa diabetes, sa puso or baka naman ay kidney stone na kayo. Kaya dapat magpa—check up kayo para tumagal ang buhay niyo at para makasama ko pa kayo nang matagal.” sabi ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin nang matagal at muling tumingin sa picture frame ni Papa. “Leo, kailangan pala natin magpa—checkup bukas... Aba, paniguradong ikaw ang maraming sakit sa ating dalawa. Ikaw iyon. Papagalitan ka ng doctor bukas!” Napangiti ako nang makitang nakangiti si Mama, pero masakit para sa akin na ngumingiti siya dahil kay Papa na dalawang buwan ng patay.
“Sige na, Lady, magpapa—check up na kami ng Papa mo bukas. Kasama ka ba, Joli?”
“Yes po, ate Barbara. Hindi kaya ni Lady na... Kayong dalawa ni kuya Leo. Kaya kasama ako bukas po.”
“Apat pala tayo pupuntang hospital bukas, Leo. Kailangan nating gumising nang maaga at baka maraming tao roon sa Lazaro Hospital.”
Nagkatinginan kami ni tita Joli at tumàngo sa isaʼt isa. Kung ano man ang magiging result ng checkup ni Mama bukas ay tatanggapin ko. Gagawin ko rin ang lahat para gumaling din siya agad.
Kinabukasan, maaga kaming nagising, si Mama pa nga ang gumising sa amin ni tita Joli, dito na siya natulog sa amin para hindi siya mahuli.
“Handa na ba kayo, Joli and Lady? Aalis na tayo.” tanong ni Mama sa amin kaya tumango kami sa kanya.
“Um, Ma, h—huwag na muna kaya natin isama iyong picture frame ni Papa? Mabigat po iyan at may kalakihan din,” sabi ko sa kanya.
“Heto? Ay hindi pwede!” ungot niya sa amin.
“Pero, Mama, makakasagabal tayo sa ibang pasahero dahil sobrang laki niyan. Sa susunod natin ipapa—check up si Papa, kayo muna ngayong araw.” paliwanag ko sa kanya.
“G—ganoʼn ba, Lady?” Tumango ako sa kanya. “Leo, sa ibang araw ka pala ipapa—check up. Bantayan mo muna ang bahay natin, at uuwi rin agad kami nang maaga nina Lady and Joli. Magdadala na lang kami ng pasalubong para sa iyo,” sabi ni Mama. “Oo, dadalhan ka namin. Lugaw na may laman at itlog? Oh, sige! Basta dumito ka lang, Leo. Aalis na kami!” Nilapag ni Mama ang picture frame ni Papa at umalis na kami sa bahay.
Sumakay kami ng jeep papunta sa Lazaro Hospital, pero ang mukha ni Mama ay hindi mapakali. “Lady, uuwi agad tayo, ha? Nag—aalala ako sa Papa mo na mag—isa roon. Ano bang i—che—check sa akin?” pagtatanong ni Mama sa akin.
“Overall checkup po, Mama. Kaya medyo matatagalan tayo. Hindi naman siguro maiinip si Papa roon, ano po? Basta may pasalubong siya pag—uwi natin,” sabi ko sa kanya.
“Oo nga naman. Paniguradong manonood iyong ng boxing or basketball. Iyon ang hilig ng Papa mo, Lady.” Tumango na lamang ako sa kanya para sumang—ayon sa kanyang sinabi.
Dumating na rin kami sa Lazaro Hospital, pumunta kami sa information desk at pinakita ang card na hawak ko. Binigay ito sa amin ni SPO1 Lazaro, sa lahat ng mga na—aksidente. Sobrang bait nilang pamilya.
“Checkup po?” Tumango ako sa nurse. “Sa room 102 po, Maʼam. Nasa left side po nitong building,” sabi niya muli sa amin.
“Thanks!”
Lumakad na kami para makapunta roon sa room 102 na sinasabi niya. Nang makarating kami ay kumatok ako sa pinto at pumasok na rin kami, nandoon ang isang doctor na lalaki, ayon sa nakalagay sa table niya, isa rin siyang Lazaro.
“Good morning. Iʼm Dr. Gold Lazaro. May you seat down.” Nakangiting sabi niya sa amin at pinaupo kami sa harap ng table niya.
Tinignan niya kami at muling nagtanong sa amin. “Isa kayo sa mga na—aksidente last two months ago, right?”
“Doctor, sinong na—aksidente? Lady, na—aksidente ka ba last two months ago?” Hinawakan ni Mama ang braso ko.
“Ah, alam ko na ang nangyayari.” Napatingin kami kay Doctor Lazaro. “Mrs. Nuez, hindi ang anak niyo ang na—aksidente. Kung ʼdi kayo ng asawa mo. Namatay na ang asawa mo sa aksidente na iyon dahil niligtas ka niya—”
“Ha? Anong pinagsasabi mo? Namatay ang asawa ko? Doctor, buhay na buhay ang asawa ko! Nasa bahay namin siya at iniwan doon dahil sasaglit lang kami rito! Kaya anong pinagsasabi mong patay na ang asawa ko, ha! Hindi ka naman Diyos para sabihin mo iyon!” malakas na sabi ni Mama sa kanya.
Tinignan ko ang Doctor at umiling sa kanya. “Okay—okay, Mrs. Nuez. Iʼm sorry kung nasabi ko iyon. Buhay ang asawa niyo? Nasaan siya ngayon?” Kalmadong tanong ni Doctor Lazaro kay Mama.
“Nasa bahay namin siya ngayon at nanonood ng paborito niyang palabas. Kaya huwag mong sabihing patay ang asawa ko. Doctor ka lang at hindi ka Diyos!” madiin na sabi ni Mama.
“Pasensya na ulit, Mrs. Nuez.” Napatingin sa amin si Doctor Lazaro. “I—che—check up ko muna ang mother niyo, Ms. Nuez, then after that, mag—uusap tayong tatlo about sa sakit ng mother mo. Ihanda niyo na lamang ang sarili niyo sa aking sasabihin mamaya. By the way, Iʼm a psychiatrist doctor. Alam mo na dapat ang ibig sabihin nuʼn.” sabi niya sa akin at tumayo para puntahan si Mama.
Psychiatrist?
May sakit sa pag—iisip si Mama?