CHAPTER 9

2124 Words
“MRS. NUEZ, normal ang blood pressure mo, wala ka ring diabetes. Overall, healthy ka. Congratulations! Sobrang dala sa mga nasa edad na fourty years old ang ganitong ka—healthy na walang maintenance na need inumin.” Nakangiting sabi ni Doctor Lazaro kay Mama. “Talaga, Doc?” Tumango si Doctor Lazaro kay Mama. “Ipagyayabang ko ito sa asawa ko na wala akong sakit at wala akong need na inumin na gamot. Sabi niya sa akin kanina ay baka raw marami akong inumin after kong pumunta rito. Wala naman pala!” Nakangiting sabi ni Mama. “Yes, Mrs. Nuez. Oh, siya dumito muna kayo at may pag—uusapan lamang kami ng anak ninyo at ng sister in law ninyo. Ayos lang po ba?” “Sure, Doctor! Dito lang ako at excited na akong umuwi para ipagyabang kay Leo ang tungkol dito.” Iniwan namin si Mama sa tapat ng television at pumasok kami sa isa pa niyang office room. “Ms. Nuez, hindi na ako magpapaligoy—ligoy sa inyong dalawa... May schizophrenia si Mrs. Barbara Nuez.” sabi niya sa amin. “Schizophrenia? A—ano po iyon?” tanong ko sa kanya. “Yes, Ms. Nuez. Schizophrenia, isang malubhaang sakit sa pag—iisip na maaaring magdulot ng mga hallucinations, delusion, at iba pang mga sintomas. Pʼwede rin natin isama ang Major depressive disorder at Pyschotic disorder. Ang dalawang din iyon ay may kinalaman about sa hallucinations. Ang hallucinations ay pagkakita ng mga bahay na hindi totoo. Maari rin itong tawaging ng 'bulag—bulagan'. Madalas nakakakuha nito ay ang mga taong hindi matanggap ang pagkawala ng pinakamamahal nila. Sa case ni Mrs. Nuez, hindi niya matanggap na wala na si Mr. Nuez. Mayroʼn ba siyang bagay na laging kinakausap at inaakalang si Mr. Nuez?” tanong niya sa amin. Tumango ako sa kanya. “P—picture frame po ng Papa ko. Simula nang lumabas siya from hospital, iyon po ang yakap. Noong una ay niyayakap lamang niya at nitong buwan ay kinakausap na niya.” “Nakakausap at nakikita niya si Mr. Nuez? Aside roon, ano pa ang sinasabi niya?” “Um, sinabi niya rin sa amin na naamoy niya rin si Papa at nahahawakan.” Napatango siya sa amin. “Four out of five types of hallucinations. She have Auditory, Tactile, Olfactory and Visual hallucinations. Tumutukoy ito sa hearing, feeling, smelling and seeing.” “D—delikado po ba iyon?” Kinakabahan kong tanong sa kanya. Tinignan niya kami ni tita Joli. “Yes, it is, Ms. Nuez. Kapag hindi pa natin uumpisahan ang pagpapagamot kay Mrs. Nuez, lalala ang aksyon niya. Sa ngayon, nakakausap at nakikita pa lamang niya si Mr. Nuez. But, habang tumatagal ay lalong lala ang symptoms niya, possible na maging marahas siya sa kanyang sarili, sa inyo at sa ibang tao.” “A—ano po possible ang pʼwede nating gawin, Doctor Lazaro? Ipapa—therapy po ba natin siya?” tanong ko sa kanya. “Sa ngayon, mas makakatulong sa kanya ang pag—inom ng gamot na irereseta ko para hindi siya lumala, Ms. Nuez.” “Gamot? Ano pong mga klaseng gamot ang kailangang inumin ng Mama ko?” Lahat ay gagawin ko para sa kanya, para lamang gumaling siya sa kanyang sakit. Kinuha niya ang kanyang ballpen na nasa suot niyang white coat, may sinusulat na siya ngayon. Nang matapos siyang isulat ay binigay niya iyon sa akin. “This is Antipsychotic, and antidepressant medicine, Ms. Nuez. Heto ang makakatulong kay Mrs. Nuez para bumalik sa kanyang katinuan. Mas magandang maagapan siya kaysa mahuli ang kanyang gamutan. Ang isang mabisa rin ay kausapin siya palagi at hindi iiwan na mag—isa. Ang mga taong may hallucinations ay sila iyong hindi matanggap ang pagkamatay ng isang tao na malapit sa puso niya, lalo naʼt asawa pa niya ang nawala sa kanya at dahil sa aksidenteng hindi inaasahan.” Tumagos sa aking puso ang sinabi ni Dr. Lazaro. “Lady? Joli? Hindi pa ba tayo uuwi? Baka naghihintay na ang Papa mo roon sa bahay. Excited na rin akong sabihing normal ang result ng checkup ko. Kaya umuwi na tayo!” Napatingin kami sa pinto nang marinig ang malakas na boses ni Mama. “Lumabas na tayo at hinahanap na tayo ni Mrs. Nuez,” sabi niya sa amin. “Dr. Lazaro, mayroʼn po ba ito sa Pharmacy?” tanong ko sa dalawang gamot na nireseta niya. “Yes, mayroʼn, Ms. Nuez. Pʼwede ka rin makakuha nito barangay health center ninyo. Gagaling din si Mrs. Nuez, basta tuloy—tuloy lamang ang gamutan at nasa tamang oras ang pag—inom nito para umepekto ang gamot.” Tumango kami sa kanya at lumabas na. “Lady, tara naʼt umuwi na tayo. Baka hinihintay na tayo ng Papa mo roon. Kaya halika na!” Bakas sa boses ni Mama ang saya at excited nang makita niya kaming lumabas. “Mama, saglit lang po. May irereseta pa si Dr. Lazaro na vitamins niyo po para hindi kayo magkasakit,” sabi ko sa kanya. “Vitamins ko lang? Ang papa mo?” Napatingin ako kina tita Joli and Dr. Lazaro. “Ah—eh, sa susunod po, Mama. Kailangan pa kasing i—check si Papa para ibigay ang dapat na vitamins for him. Kaya sa iyo muna itong vitamins, Mama.” paliwanag ko sa kanya. Nakita ko ang pag—aalinlangan niya sa aking sinabi. “Talaga ba? Eh ʼdi dapat bukas ay pumunta rito ang Papa mo kay Dr. Lazaro para mapa—check up na natin siya at mabigyan siya ng tamang vitamins, Lady.” Tinignan ko si tita Joli para tulungan niya ako. “Ate Barbara, may client si Dr. Lazaro tomorrow kaya hindi natin maidadala si kuya Leo rito. Next time na lang po siguro kaya bumalik na si Dr. Lazaro,” sabi ni tita Joli kay Mama. “Ganoʼn ba? Sige. Tapos na po ba niyang reseta, Dr. Lazaro? Kailangan na namin ng umuwi at naghihintay ang asawa ko sa bahay namin.” “Yes, Mrs. Nuez. Heto na ang reseta para sa vitamins niyo, tatlo ang lahat ng ito na need niyong inumin, ha? Hindi dapat maliligtaan ang vitamins niyong ito, eksaktong oras dapat ang pag—inom nito. Halimbawa, 3PM niyo ininom ngayong araw, 3PM din sa susunod na araw, maliwanag po ba?” paliwanag ni Dr. Lazaro kay Mama. “Okay po, Dr. Lazaro. Susundin ko ang sinabi niyo sa akin.” Binigay niya muli sa akin ang reseta, nandoon muli ang binigay niya sa akin na dalawang gamot para sa hallucinations niya. “Thanks po, Dr. Lazaro.” sabi ko sa kanya. “Wala iyon, Ms. Nuez. Hangad ko ang paggaling niyo, Mrs. Nuez.” Tumango si Mama kay Dr. Lazaro at lumabas na kami sa office niya. “Salamat po,” pahabol kong sabi sa kanya at tuluyan na kaming lumabas. Sana talaga gumaling na si Mama sa kanya ang hallucinations. Gusto ko rin kasing bumalik na si Mama sa dating ugali niya at paniguradong iyon din ang gusto ni Papa jBnv pinapanood kami ngayon sa langit. Isang taon ang nakalipas nang ma—diagnose si Mama na may hallucinations. Pinapagamot namin siya pero parang walang nangyayari. Lalong lumalala ang sakit niya, hindi na rin sapat ang kinikita ko sa paglalako ng gulay sa campus, maging ang bigay nina tita Joli and tita Gina sa amin. Sobrang kapos kami ni Mama. Maging ang inipon nila para sa aking pag—aaral ay nagalaw ko na rin, about naman sa pension ni Papa ay hindi rin sapat ang three thousand sa isang buwan, sobrang mahal ng gamot ni Mama. “Lady, talaga bang hihinto ka this semester? Third year na tayo ngayon. Mag—apply ka kaya muli as scholarship dito? Or, sa ibang organization na may scholarship para makatulong sa pag—aaral mo. Sayang naman ang isang taon kung hihinto ka.” Ningitian ko si Amanda. “Kapos na kapos kami, Amanda. Mabuti na lang ay nakakakain pa kami dahil sa inyo at kay tita Joli, pero kung wala kayo. . . Baka toyo or asin ang kakainin namin, pʼwede ring talbos na tanim namin. Iyong pension ni Papa ay nilalaan ko sa pagpapagamot ni Mama, sobrang mahal ng gamot niya, nasa 70 pesos ang isa. Kailangan kong mabili lahat ng iyon para gumaling na siya talaga. Sabi ng doctor ay hindi pʼwedeng makalimutan or hindi pʼwedeng hindi makainom si Mama kahit isang araw lang, kasi magba—back to zero kami.” Paliwanag ko sa kanya. Napakamot siya sa kanyang buhok. “Pagkamahal naman kasi niyang gamot ni tita Barbara. Wala bang generics niyan? Or, pʼwede tayong lumapit sa government organization para makahingi ng gamot sa kanila kahit pang isang buwan lamang?” tanong niya sa akin. “Hindi ko na alam kung saan ako lalapit, Amanda. Maging si tita Joli ay nag—aasikaso na rin kung saan kami pʼwedeng lumapit, pero mahaba ang proseso at ang daming papers na need, katulad last month, gumastos kami ng 500 pesos, then ilang pirasong gamot lamang ang nakuha namin. Hindi sapat para sa oras na inilaan namin at maging sa gastos sa pagpapaayos ng mga papers, lalo naʼt may work din si tita Joli.” “Totoo nga naman. Bakit kasi hindi na lang ibigay iyong gamot kapag may reseta and indigenous certificate from barangay? Ang dami pa nilang kaekekan na nalalaman! Tax naman iyon ng mga taong nagta—trabaho at nagbabayad ng buwis sa kahit anong sector, maging pagbumili ka ng grocery ay may binabayaran ka na rin ng Tax. Kaya dapat huwag na nila pahirapan ang mga tao sa pagkuha ng free na gamot!” Tinapik ko ang kanyang balikat. “Easy ka lang, Amanda, papanget ka niyan—” “Ay, hindi ako papanget!” Nagpa—sign of the cross pa siya. “Umiilaw ang phone mo, Lady. Si Mama ang tumatawag.” sabi niya at tinuro ang phone kong nasa desk ko. “Bakit kaya?” “Baka importante. Sagutin mo na.” Kinuha ko ang aking phone at sinagot ang tawag ni tita Gina. “Hello po, Tita Gina? Bakit po kayo napatawag?” tanong ko sa kabilang linya. “Hello? Hello, Lady? May ginagawa ka ba?” Narinig ko ang boses ni tita Gina na natataranta sa kabilang linya. “H—hindi naman po, tita Gina. Bakit po? May nangyari po ba kay Mama? Lunch break pa naman po namin ngayon.” “Ganoʼn ba? Pʼwede ka bang umuwi? Isama mo na si Amanda? Barbara, huwag!” Napatayo ako nang marinig ang malakas na boses ni tita Gina. “Tita Gina, ano pong nangyayari?” Natataranta kong tanong. May naririnig akong kaluskos sa kabilang linya na siyang lalo kong pagkaba. “Tita Gina?” “Lady, bakit? Anong nangyayari?” Tinignan ko si Amanda. “Hindi ko alam.” I mouthed habang hinihintay na may sumagot sa kabilang linya. “Tita Gina? Tita Gina?” Tinawag ko muli ang pangalan ng Mama ni Amanda. “Lady, nandʼyan ka pa ba?” Nakahinga akong maluwag nang marinig ang boses ni tita Gina. “Y—Yes po, nandito pa po ako, Tita Gina. A—ano pong nangyayari?” tanong ko sa kanya. “Nagwala ang Mama mo ngayon. May bata kasing dumaan at sinabihan siyang baliw na kinakausap ang picture frame ni Leo. Nainis siya, kaya sinigawan niya ang bata. Muntik pa niyang batuhin ang batang iyon, mabuti na lang ay nahawakan ko si Barbara at naawat din siya ng ibang kapitbahay natin. Pinapasok ko siya sa loob ng bahay niyo, pero muntik muling makawala kaya hinabol ko muna si Barbara at pinapasok muli sa kʼwarto nila... Kailangan nating mag—usap pag—uwi mo, Lady. Parang lalong lumalala ang hallucinations ni Barbara para sa akin. Kaya mag—usap tayo kasama si Joli mamaya.” Napapikit ako at tumàngo sa kanya. “O—okay po, tita Gina. Uuwi po ako nang maaga mamaya po. Salamat po,” sabi ko sa kanya at binaba na ang tawag. “Anong nangyari?” “Nagwala si Mama. Inaway niya iyong bata na dumaan nang sabihan siyang kinakausap ang picture frame ni Papa... Amanda, mukhang kailangan ko talagang tumigil. Kailangan kong magtrabaho para kay Mama.” Niyakap ako ni Amanda. “Tutulungan kita, Lady, okay?” bulong niya sa akin. Desidido na akong huminto sa next semester ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD