NAPATINGIN ako sa hawak kong apat na lalagyan. Hindi ko aakalaing may good samaritan pa rin pala hanggang ngayon. Hindi lang iyon dahil lumuwag din itong dibdib ko nang masabi ko ang problema ko sa ibang tao. Totoo nga ang sabi—sabi. Nakabalik na rin ako sa bahay namin. “Nandito na po ako—ack!” Nagulat ako nang yakapin ako ni Amanda at tinignan ang aking braso, hita, leeg at buong katawan. “A—anong ginagawa mo, Amanda?” takang tanong ko sa kanya. “Saan ka galing?” “Sa pharmacy?” Sinagot ko ang tanong niya kahit naguguluhan ako. “Alam ko, Lady! Bakit kasi ang tagal mo yatang bumalik? Akala ko naligaw ka na—ouch! Bakit mo ko pinalo? Teka, ang dami namang gamot niyang binili mo? Akala ko ba seven pieces lamang ang bibilhin mo kada gamot?” takang tanong ni Amanda nang makita ang bitbit