DAYS PASSED, huling araw ng klase namin. Sa Monday ay opisyal ng sembreak, tapos na ang first semester ng pagiging third year at hihinto muna ako... Pansamantala lang naman. “Ilang oras na lang ay titigil na tayo sa pag—aaral, Lady. Mamimiss ko ʼto Maravilla University, ang ating campus. Pero, babalik naman tayo rito, iyon nga lang hindi natin makakasabay iyong mga classmates natin. Mamimiss ko sila, pero kasama naman kita.” Nakangiting sabi ni Amanda habang naglalakad kami sa quadrangle ng aming campus. “Pʼwede naman kasing hindi ka tumigil—” “Nagpasya na ako, Lady. Kambal mo ko, ano ba! Kaya titigil din ako... Alam ko namang one semester lang tayo titigil dahil yayaman agad tayo ng ilang buwan—” Pinalo ko siya. “Impossible iyon, Amanda. Walang yumayaman ng kalahating taon. Walang gan

