Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 26: Pugad ng pangamba "Ibarrrraaaaaa!!! Hindeeeee!!!!" ang sigaw ko sabay balikwas bangon mula sa higaan. Halos maligo ako sa pawis at hinahabol ko rin ang aking pag hinga. "Leo, nanaginip ka.. Ayos ka lang ba?" tanong ni Ibarra habang hinihimas ang aking likuran. "Ayos lang ako..Huwag kang mag alala." sagot ko naman habang hinihingal pa rin nanunuyo ang aking lalamunan at pakiwari ko ay galing ako sa isang mahabang pag takbo, makikita rin ang malakas na kabog ng aking dibdib dahil sa matinding takot na nararamdaman. "Ikukuha lang kita ng tubig para mahimasmasan ka. Relax ka lang dito ha, marahil ay binangungot ka lamang." tugon ni Ibarra sabay balikwas ng tayo at nag tapis ito ng tuwalya upang matakpan ang kanyang hubad na katawan. Saman