Part 25: Malagim na hinaharap 2

2351 Words

Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 25: Malagim na hinaharap 2   "Mabuti nalang at naagapan ang pag bagsak ng harang, kung hindi ay pare-pareho kayong matutusta ng buhay." ang wika ni Tembong habang tinatakpan ang harang gamit ang kanyang mahika, nag liliwanag ang kanyang buong katawan at kumikislap kislap ang liwanag sa kanyang kamay na nag lalabas makinang at makukulay na alikabok.   "Mag iingat tayo dahil hindi ordinaryong engkanto ang kalaban. Isa itong mataas na uri na kung tawagin ay hesujin. Makapangyarihan ang isang ito kaya sa tingin ko mahihirapan tayo." ang wika ni Sam habang nakatayo sa aming harapan at kinakalkula ang mga bawat pangyayaring magaganap kung kami ay sasagupa sa kalaban.   "Teka, paano nyo nalamang sinasalakay kami? At paano kayo nakapasok sa harang na ito?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD