Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 50: Ang Hiwaga ng Nakaraan 2 Nag patuloy kami sa pag mamasid ni Ibarra sa hardin kung saan madalas na nag lalaro ang dating ako. Pinag masdan ko rin ang bawat sulok ng aming bahay, halos kagagawa palang ng hacienda noon, bagong pintura pa ito at ang mga gamit ay kabibili pa lamang. Samantalang natatawa nalang ako sa tuwing nakikita kong tumatakbo at lumulundag ang bata kong bersyon. Pakiwari ko ba ay si To bang aking nakikita kapag tumititig ako sa kanyang mukha. "Mukhang nag eenjoy kang panoorin ang iyong sarili ahh." ang bati ni Ibarra noong makitang naka upo ako sa tabi nito at pinapanood ang kanyang pag susulat ng pangalan sa papel. “Oo naman, sa tuwing tumingin ako sa aking sarili ay naalala ko si Tob, halos ganyan rin ang kanyang pag k