Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 49: Ang Hiwaga ng Nakaraan 1 Noong nawala ang kadiliman sa paligid ay natagpuan namin ang aming sarili sa isang malamig at madalim kakahuyan. Maliwanag ang sinag ng bilog na buwan na siyang tumatanglaw sa buong paligid. Maigi naming pinag masdan ang buong lugar hanggang mag pasya kaming lumakad at umalis sa aming kinalalagyan. "Arrrekkupp, sandali lang napinsala ang aking binti dulot ng tarak ng sibat sa aking kalamnan. Hindi ako maka lakad ng maaayos." ang wika habang napapaluhod sa lupa. “Sorry, naging pabigat pa yata ako sa iyo.” Tiningnan ni Ibarra ang aking sugat at doon ay nagulat siya dahil medyo malaki ang pinsala nito. "Kailangan nating pag hilumin ang sugat mo dahil malaki ito, kung hindi maagapan ay agad itong mamamaga at mahihirapan ka