Part 10: Ang Dalawang Sumpa 2

2913 Words
Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 10: Ang Dalawang Sumpa 2 Noong bumalik ang aking malay ay wala pa rin akong makita kundi purong dilim bagamat alam kong nakaratay na ang aking likuran sa higaan dahil damang dama ko ang lambot nito. Malabo sa aking isipan ang mga pang yayari noong gabing mag harap kami ni Ivo. Kumikirot ang aking ulo kapag pilit ko itong inaalala. "Nasaan ako? Gising na ba ako? Baka maya maya ay hindi nanaman totoo ang lahat ng ito." ang tanong ko habang pilit na ikinikilos ang aking braso. "Oo gising kana Leo." boses ni Ibarra. "Gising ako? Bakit wala akong makita?!!! Bakit wala akong makita?!! Bakit madalim?!!" ang sigaw ko na hindi mapigil ang pag wawala. "Leo huminahon ka, ginawaran ka ni Ivo ng isang sumpa, inalis niya ang iyong paningin. Gagawa ako ng paraan upang maibalik ito. Paki usap huwag kang mag wala dahil makakasama ito sayo." ang wika nito habang pinipigil ako. "Bulag na ko!! Paano ang anak ko?! Hindi ko matatanggap ito!! Hinde ko kaya Ibarra tulungan mo ako, ayoko ng ganito! Ayokong mabulag! Marami pa akong plano para kay Tob, para sa pamilya ko!" ang patuloy kong pag wawala dahilan para bumagsak ang aking katawan sa sahig at dito ko na rin napansin na walang maramdaman ang aking hita pababa sa aking paa. Hindi ko ito maigalaw at pakiramdam ko ay wala ako bewang at kakayahang makatayo. "Bakit wala akong maramdaman? Baldado rin ba ako?!!! Putang ina!!! Bakit naging ganito?!!" ang umiiyak kong tanong na hindi maitago ang matinding takot. "Inalis din ni Ivo ang kakayahan mong maka kilos ng maayos kaya mula sa iyong bewang pababa sa iyong paa ay naging paralisado." boses ni Ibarra. "Putangna!!! Hindi ko matatanggap na isa akong inutil!! Patayin mo na lamang ako!!! Patayin mo na ko ngayon!!!!!" ang sigaw ko naman habang nag wawala. "Hindi maaari ang gusto mo. May pag asa pa, ito isang sumpa lamang kailangan lang itong kontrahin. Kaya kung maaari kumalka ka muna dahil gagawa ako ng paraan para baguhin ang halik ng kamalasan ni Ivo. Huwag kang matakot nandito ako, hindi kita pababayaan ng basta basta." "Paano si Tob? Paano ang pamilya ko? Paano ang mga tao dito sa hacienda na umaasa sa akin? Paano ko tatanggapin sa aking sarili na isa na akong inutil?" "Si Tob ay nandoon kila manang Bering at sa iyong mama. Ipinaliwanag ko na sa kanila ang nangyaring sagupaan kagabi kaya't alam na nila ang mga ito. Huwag mo sanang iisipin na nag iisa ka dahil nandito lamang ako sa iyong tabi. Babantayan kita at aalagaan. Hayaan mong ako ang iyong maging paa at mata upang mag hindi ka makaramdaman ng pag kalungkot. Gagawa akong paraan upang maibalik sa normal ang lahat tol. Mag tiwala ka sa akin." ang wika ni Ibarra at naramdaman ko na lamang na lumingkis ang kanyang braso sa aking katawan. Patuloy ako sa pag iyak at halos buong mag damag akong hindi mapakali dahil sa purong kadiliman na aking nasisilayan. Wala akong nagawa kundi ang hawakan ang kamay ni Ibarra habang nakahiga sa aking kama. "Huwag kang matakot pakiusap. Malalagpasan din natin ang pag subok na ito. Mag tiwala ka lamang sa akin." wika nito habang pinipisil pisil ang aking kamay. Tahimik.. Lumipas ang dalawang araw, dati pa rin ang aking sitwasyon bagamat katulad ng pinangako ni Ibarra ay hindi siya umalis sa aking tabi. Siya ang nag papakain, nag papaligo at nag gagabay sa akin sa lahat ng pag kakataon. Hindi nalaman ng lahat ang tungkol sa aking pag kabulag dahil itinago ako nina mama, manang Bering at Ibarra sa isang dampa malayo sa hacienda. Mas makabubuti raw na dumito muna kami dahil tahimik dito at walang makaka alam na ako ay isinumpa ng kamalasan. "Tanggap ko naman nang ganito na ako habang buhay. Sana ay alagaan mo rin ang aking anak at huwag mo siyang hahayaang makuha ng Engkantong iyon. Nag sisisi ako dahil hindi ako naniwala sa kanila, ang akala ko ay kwentong barbero lamang ang tungkol sa bundok Hiraya. Sa tuwing naiisip ko ito ay lalo lamang akong inuusing ng aking konsensya dahil sa mga tauhan kong napahamak dahil sa aking pagiging makasarili. Siguro ay matindi pa sa pag kabulag ang inabot nila.. Marahil ay karma ko na ang nangyayaring ito." wika ko habang naka upo sa tabi ni Ibarra. "Lahat naman tayo ay nag sisisi kung kailan huli na ang lahat. Iyan ang natitiyak kong panunuya ng buhay dahil kung minsan ang aral ay natututuhan kapag natapos na ang pag kakamali na ating ginawa. Pero siguro ay ayos lang iyon, ang mahalaga ay may natutuhan tayo kaysa sa wala. At tungkol naman sa iyong kalagayan ay may alam akong isang solusyon diyan, nag hihintay lamamg ako ng tamang pag kakataon." tugon ni Ibarra. "Ano ang ibig mong sabihin? May pag asa pa ba akong maka kita?" tanong ko naman. "Oo naman, idinulog ko kay Tembong ang iyong kalagayan ang sabi niya sa akin ay mukhang pumalya daw ang sumpang iginawad sa iyo ni Ivo dahil ang kanyang halik ay may lason at maaari nitong tapusin ang iyong katawan ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito tumalab sa iyo kaya't ang nalason lamang sayo ay ang iyong paningin at mga hita. Marahil ay kinapos daw ito ng oras sa pag gawad ng sumpa o kaya ay nanghina ito dahil nakipag laban sa akin kaya't sumablay ito. Ang mahalaga ay may pag asa kang maka kita muli at mgaganap iyon bukas ng gabi sa kabilugan ng buwan." ang paliwanag ni Ibarra kaya naman nakaramdaman ako ng kakaibang tuwa sa mga sinabi niyang iyon. "Teka bakit sa kabilugan ng buwan?" tanong ko ulit "Tol, makapangyarihan ang liwanag ng buwan. Ang sinag nito ay nakapag bibigay lakas sa bawat nilalang sa ibat ibang parte ng kakahuyan. Katulad na lamang ng mga Manlikmot na nag iiba ng anyo sa tuwing bumibilog ang liwanag sa kalangitan o nang mga aswang na lumakas kapag sumasapit bagong buwan. Mahiwaga ang mundo Leo, may mga bagay na hindi basta basta naipapaliwanag ang ating mga mata. Ang kailangan lamang nating gawin ay ang maniwala." ang wika ni Ibarra sabay akbay sa akin. "Ang mga aswang na kumakain ng bata sa sinapupunan ng mga buntis at ang mga taong lobo na kung tawagin ay manlikmot, lahat ba sila ay totoo? Naka kita ka naman ng ganoon?" ang pang uusisa ko. "Oo naman, 80 years ang tanda ko sa iyo kaya't ang lahat ng iyon ay nasaksihan ko na. Hayaan mo, kapag gumaling ka ay ipapakita ko sila sa iyo." ang natatawang tugon nito. "Hindi na bale,  maka maya maya ay isumpa nanaman ako.. Mahirap na.." natatawa kong ring tugon.. Tawanan.. Maya maya ay agad ding tumahimik.. "Pero hindi ko naman hahayaang gawin iyon. At kung sakaling isumpa ka ulit ay aalagaan ulit kita." wika ni Ibarra na hindi ko alam kung seryoso ba o jinajaming lang ako. "Talaga ba? Baka naman mag kabaklaan na tayo niyan." biro ko naman "Hinalikan ka nga ni Ivo tapos hindi ka nag reklamo. Sana kagabi palang ay nag inarte kana dahil ang isang barakong kagaya mo ay hinalikan ng isang lalaking engkanto. Mukhang nasarapan ka yata eh." biro nito sabay tawa. "Tado, tanginang halik yan.. Minalas ako.. Biruin mo sa isang halik lang, baldado ako at na bulag pa. Lecheng halik iyan!! Paano kong masasarapan doon?" kunwaring pag mamaktol ko. Tawanan ulit.. Kinabukasan, alas 9 ng gabi noong ayain ako ni Ibarra sa labas ng dampa. Ngayon daw namin isasagawa ang pag alis ng sumpa ni Ivo sa aking katawan ngunit hindi nya ito kakayaning mag isa kaya naman humingi siya ng tulong ay Tembong na nakatira doon sa puno ng mangga sa loob ng aking bakuran. Habang lumalakad kami ay hawak ni Ibarra ang aking braso at maiging inaalalayan upang hindi ako mabuwal sa pag tapak sa mga batuhan. Bukod kasi sa pag kabulag ay baldado rin ang aking hita kaya kinakarga lamang ako nito. Malamig ang simoy ng hangin noong gabing iyon. Dumadampi ito ang aking mukha na siyang nag bibigay ng ibayong kilig sa aking kaibuturan. "Ano ang itsura ng paligid?" tanong ko kay Ibarra. "Maganda tol, maliwanag dito sa ating kinalalagyan dahil tumatama sa ating katawan ang sinag na nag mumula sa liwanag ng buwan. Ang paligid ay punong puno ng mga lagas na dahon at kabilang na rito tumutubong ang halaman sa paanan ng mga puno. Huwag kang mag alala dahil maya maya lamang ay masisilayan mo na ang ganda nito." wika ni Ibarra sabay hawak sa aking mga kamay. Habang nasa ganoong posisyon kami ay narinig ko naman si Tembong na nag sasalita habang sinusuri ang aking kalagayan. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo Leo, masyado ka kasing mayabang at matapang hayan tuloy ay nakahanap ka ng iyong katapat. Pasaway ka kasi eh, nakakalungkot lang na baldado kana hindi na kita mabobosohan habang nag titikol ka sa iyong silid. Sayang ang yummy yummy mo pa naman at isusuggest ko sa yo na pwede kang maging p**n actor." "Tigilan mo na nga ako John Lapuz! Nakaka inis kana. Bakit binobosohan mo ako?" "Naku, hindi ka naman ganoon ka daks kaya huwag kana mag inarte! Mag pasalamat ka dahil may audience ka no." sagot nito "Oh huwag mo na inisin itong si Leo, masyado na siyang maraming pinag daraanan kaya't tulungan na lamang natin siya." ang sagot naman ni Ibarra. "Eh ano pa nga bang magagawa ko, naku pasalamat ka Leo dahil gwapo ka no. Kung panget ka ay hindi talaga kita tutulungan." mataray na salita nito. "Mabuti pa ay simulan na natin bago pa mawala ang liwanag ng buwan." ang wika ni Ibarra. "Ano bang gagawin natin? Ooperahan ba ako?" ang tanong ko naman na hindi maitago ang pangamba. Maya maya ay naramdaman kong lumapit sa akin si Ibarra at niyapos nito ang aking pisngi. "Pasensya na tol, wala akong kapangyarihan para baligtarin ang sumpa ni Ivo ngunit may kakayahang wakasan ng isang sumpa ang isa pang sumpa. Sa makatuwid ay isusumpa rin kita upang makalaya ka sa kapangyarihan ni Ivo." ang wika nito. "Hindi ko maiwasang kabahan kapag naririnig ko ang katagang "sumpa" ngunit buo ang tiwala ko sa iyo tol. Gawin mo ang alam mo nararapat." wika ko sabay ngiti bagamat purong kadiliman lamang ang aking nasisilayan. Makalipas ang ilang minuto nag isumula na ang orasyon na binibigkas ni Tembong habang si Ibarra naman ay nasa aking tabi at inaalalayan ako pag upo ng maayos sa damuhan. Wala akong ideya sa gagawin nila ngunit ang pangambang iyon ay binalewala ko na lamang kung ang kapalit naman nito ay ang pag babalik sa normal ng aking katawan. "Tol, huwag mong mamasamain ang gagawin ko ha.. Kailangan talaga ito upang mas mabilis kumalat ang sumpa." ang wika nito at doon ay naramdaman ko na lamang ang mabangong hininga ni Ibarra na dumadampi sa aking ilong at maya maya ay dumikit na nga ang kanyang mainit na labi sa aking mga labi. Tumahimik ang buong paligid.. Pati ang mga kuliglig ay napahinto sa pag huni.. Mag kasugpong lamang ang aming mga nguso, walang kakaibang nagaganap maliban sa pagiging dalisay at payapa ng aking kaibuturan, ang halik ni Ibarra ay nag bibigay ng kapayapaan sa aking damdamin kaya naman halos madala ako sa sensasyong dulot nito. Ang aking madilim na paligid ay unti unting nag kakulay at mula dito ay lumabas ang isang magandang natawin, berde ang paligid at napapaligiran ng puno ang isang maliit na kubo sa gitna nito. Dito ay nakikita ko ang imahe ng isang batang lalaki na naka upo sa duyan habang pinapanood ang kanyang ama sa pag lilok ng laruang gawa sa punong kahoy. Masayang masaya ang batang iyon habang iniuugoy ang duyang kinauupuan Maya maya ay lumapit ang kanyang ama at inabot ang laruang kabayo na nililok mula sa kahoy. Tuwang tuwa ang bata kaya naman kinarga ito ng kanyang ama at inikot ikot sa ere. Napangiti ako sa aking nakita at paki wari ko ba ay hindi ko naranasan ang ganoong bagay mula sa aking sariling ama kaya naman hindi ko maiwasang mainggit habang pinag mamasdan sila sa ganoong posisyon. Ilang minuto rin sa ganoong kasiyahan ang dalawa hanggang sa maya maya ay dumating na ang ina ng bata at kinuha ito mula sa pag kaka karga ng ama. Nag usap ang dalawang magulang, nakikita ko ang buka ng kanilang bibig ngunit wala akong marinig na kahit na anong salita mula dito bagamat batid kong seryoso ang kanilang pinag uusapan dahil sa hindi maitagong ekspresyon ng kanilang mga mukha. Ipinag patuloy ko ang panonood hanggang sa makalipas ang ilang saglit ay kumilos ang ama at ginawaran nito ng mahigpit na yakap ang kanyang anak. May kinuha siyang kwintas sa kanyang bulsa at isinuot ito sa bata, niyakap din nya ang kanyang asawa bago ito mag tatakbo palayo sa kanila. Umiyak ang bata at humabol sa kanyang ama ngunit wala itong nagawa kundi ang sumalampak sa lupa at pag masdan ang pag lisan ng taong nag bigay sa kanya ng buhay. Tahimik.. Unti unting nawala ang imahe sa aking isipan at kasabay rin nito ang pag bitaw ng halik ni Ibarra. Unti unting dumistansya ang kanyang malambot na labi sa aking mukha at ang huli kong naramdaman ay ang haplos ng kanyang kamay sa aking buhok. "Ito ang aking sumpa... Imulat mo na ang iyong mata Leo." ang utos nito kaya naman marahan kong iniangat ang aking mga talukap. Sa bawat pag bukas nito ay unti unting pumapatak ang luha sa aking mga mata dulot ng hindi maipaliwanag na damdamin. Sa wakas ay muli kong nasilayan ang kulay ng mundo kaya naman ibayong saya ang aking naramdaman lalo na noong kumilos ang aking mga binti at marahan akong nakatayo na parang walang nangyaring sumpa sa akin. "Magaling na ko tol!! Magaling na ko! Paano ba ako mag papasalamat sayo.." ang wika ko sabay sulyap kay Ibarra na noon ay naka sandal sa puno ng Akasya na wari'y nawalan ng lakas. Dito ko napansin na ang iba ang kanyang anyo dahil ang kanyang maganda at nag liliwanag na mata ay napalitan ng kulay itim na parang ganoon sa ordinaryong tao. Ang kanyang kulay abong buhok ay naging itim na rin kaya naman labis akong nag taka. "Tol, bakit parang nag iba ang iyong anyo? Ayos ka lang ba? Para kang may sakit." ang tanong habang pinag mamasdan ang itsura nito na halatang nawalan ng lakas. "Ginamit ni Ibarra ang kanyang buong lakas upang mapagaling ka at maibalik ka sa iyong dating kondisyon. Hindi sapat ang lakas niya noong mga nakaraang araw kaya naman kailangan pa niyang hintayin ang kabilugan ng buwan upang mapalakas nito ang kanya aura para makatiyak na mag tatagumpay siya sa kanyang nais. Sa makatuwid ay isinakripisyo ni Ibarra ang kanyang pagiging engkanto upang baligtarin ang sumpa ni Ivo sa iyong katawan. Ginawaran ka niya ng isang sumpang siya lamang ang nakaka alam at bilang kapalit noon ay naging ordinaryong tao na lamang siya. Ang kanyang itim na mata at itim na buhok ay ang patunay na siya ay hindi na engkantao. Siya makakaramdam na ng pagod, puyat, pag ka uhaw at gutom. Iyan ang marahas na desisyon ni Ibarra." paliwanag ni Tembong habang sinusuri ang katawan ni Ibarra. "Bakit tol? Bakit isinakripisyo mo ang lahat para sa akin? Paano kita pasasalamatan sa iyong kabutihan?" "Wala iyon, ang mahalaga ay naging normal kana muli. Kailangan ka ni Tob dahil ikaw ang kanyang ama at sa kabilang banda ay alam kong kailangan mo rin siya dahil siya ang iyong anak. Mahirap kung hindi mo siya masisilayan.. Alam ko ang pakiramdam ng nag iisa at nag hahanap ng wala. Mahalaga kayo sa akin dahil sa sandaling panahon ay itinuring ko na kayong pamilya." ang wika ni Ibarra habang pinipilit na tumayo. "Ang mabuti pa ay umuwi ka kayong dalawa. Kapag nawala ang liwanag ng buwan ay magigising nanaman ang mga masasamang engkanto na nag nanais lamang ng kaguluhan. At isa pa ay kinakailangan ni Ibarra ng sapat na pahinga upang manumbalik ang kanyang lakas." wika ni Tembong kaya naman agad kong pinasan ang lantang gulay na katawan ni Ibarra sa aking likuran. Noong mga oras na iyon ay nag pasya akong patirahin na lamang si Ibarra sa hacienda kasama kami ni Tob. Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya't sa palagay ko ay kulang pa iyon upang makabayad ako ngunit gayon pa man ay maituturing kong isang biyaya ang kanyang pag dating sa buhay naming mag ama. Kung wala siya, malamang ay matagal na rin akong wala at gayon din si Tob na siyang puntirya ni Ivo sa hindi malamang kadahilanan. Bago matapos ang gabi ay nag bigay naman si Tembong ng apat buto ng halaman. Itanim ko raw ito sa bakuran ng aming bahay. Espesyal na halaman daw ito na nag bibigay ng harang upang hindi makapasok ang mga masasamang engkanto. Ito rin ang mag sisilbing proteksyon namin habang hindi pa bumabalik ang lakas ni Ibarra. Kaya naman agad kong itinanim ang mga buto iyon ayon na rin sa utos ni Tembong at makalipas nga ang ilang sandali ay tumubo ito na parang mga kabute at nag labas ng kulay asul na liwanag na siyang parang bulang lumukob sa buong bahay. "Ang bulang iyan ay espesyal dahil hindi ito basta basta masisira ng kahit na sino. Gawa iyan sa espesyal na sangkap na hindi basta basta matatagpuan sa paligid. Sana ay maging ligtas kayo dahil nalalapit na ang araw ng pag tutuos." ang wika ni Tembong bago ito pumasok sa kanyang tahanan sa puno ng mangga. Samantalang ako naman ay naiwang nakatayo sa labas bakuran kung saan maigi kong pinag mamasdan ang buong paligid. Sa bawat sandaling lumilipas ay nag hahangad ako ng kapayapaan para sa aking anak at para sa aking pamilya. itutuloy..        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD