Ang Sumpa ni Ibarra
AiTenshi
Part 9: Ang Dalawang Sumpa 1
Sa pag lipas ng mga linggo ay muling bumalik sa normal ang lahat, pansamantalang naging maayos ang paligid at nawala ang mga negatibong pwersa na lumulukob dito. Hindi ko na rin nakita ang imahe ng nakakatakot na nilalang na nag tatangka kay Tob, marahil ay epektibo ang proteksyon na inilagay ni Ibarra sa katawan ng aking anak kaya't kahit papaano ay natahimik ito. Tungkol naman kay Tembong na nag gawad ng sumpa sa aking anak, noong nakaraan ding linggo ay binabakuran ko na ang tirahan nito doon sa puno mangga at pinag bawalan ang kahit na sino mang lalapit dito.
Sinimulan ko na ring ayusin ang aking buhay, ginamit ko ang aking natitirang ipon sa bangko upang makapag simula muli ng bagong negosyo. Ngayon ay nag concentrate na lamang ako sa pag sasaka at pag aangkat ng mga gulay sa aming bukirin. Binuhay ko rin ang produksyon ng aming mga bukuhan at niyogan upang mas mapalawak pa pag kukunan ng puhunan at supply ng mga manggawa. Ito lamang ang magagawa ko upang maibangon ang aking dangal sa pag bagsak ng aking dating negosyo ng mga muwebles na ibinigay lamang sa akin ni papa. Lalo lamang tuloy lumayo ang loob nya sakin dahil sa insidenteng iyon.
Tahimik na ang buhay namin ni Tob, iniwasan ko na rin ang pag tungo sa mga bundok upang kumuha ng mga materyales dahil ayoko nang maulit mga pangyayaring itinuturing masamang panaginip kabilang na nga dito ang pag kaka wala ko doon sa bundok ng Hiraya na nag dulot ng pag babago sa lahat. Kalakip na rin ng pangako kay Ibarra na hindi na muling tatapak doon.
Halos maayos, normal at naging perpekto ang bawat oras namin ni Tob sa loob at labas ng hacienda. Itinigil na rin niya ang pag guhit ng kakaibang larawan dahil naging abala ito sa pag kikipag laro sa akin. Ngayon kasi ay binibigyan ko na ng kalidad na oras ang aking anak at hindi ako pumapayag na nawawaglit ito sa aking paningin. Kahit nga sa pag ligo ay sabay kaming mag ama, sa pag kain at pati na rin sa pag tulog. Gusto ko lamang iparamdam sa kanya na palagi akong nandito sa kanyang tabi at hindi na niya kailangan pa yung nilalang na nakabantay sa kanya. Dati kasi ay puro trabaho ang aking inaatupag kaya't halos napapabayaan ko na ito, ayoko na lamang maulit ang ganoong senaryo.
Ilang buwan din ang itinagal ng aming mayapang buhay sa loob ng hacienda bago tuluyang mag bago ito. Ang sabi nga sa mga pelikula ay walang permanenteng kaligayahan dahil nag babago ang lahat.
Ang akala ko ay tuloy tuloy na ang mga ito ngunit mali pala dahil isang araw ay bigla bumalik ang kakaibang kilos ni Tob at sa pag kakataong ito at tila mas malakas pa ang pwersang lumulukob sa aming paligid dahil araw araw ay kakaiba ang mga senaryong aming nasasaksihan. Nandyan yung bigla na lamang mag kakabagsakan ang mga patay na ibon sa paligid, dadagsa ang maraming itim na paro paro, ipis, at iba pang insekto at sa buong hacienda at ang pinaka malala sa lahat ay ang pag kamatay ang aming mga pananim na syang aming ikinalugi.
Noong mga oras na iyon ay pilit kong ikinalma ang aking sarili, lahat ng katatagan at katapangan ay inipon ko sa aking katawan upang hindi balutin ng takot ang mga tao sa buong hacienda, madalas kong sinasabi na nag kataon lamang ang lahat ng nangyayari bagamat alam kong may kinalaman nanaman ang mga engkanto dito. Ang akala ko ay sagad na ang pamemerwisyong iyon sa amin ngunit nag kakamali pala ako dahil isang gabi habang natutulog kami ni Tob ay naalimpungatan na lamang ako noong maramdaman kong wala na ito sa aking tabi. Kaya naman agad akong bumalikwas ng bangon upang hanapin ito.
Bukas ang bintana at hinahangin ng mga puting kurtina, dito ay nakita ko si Tob na akay akay ng isang matangkad na lalaking nakasuot ng kulay puting damit. Malayo layo na rin ang kanilang nilalakad kaya naman agad ko itong hinabol. "Tob!!!Tobbbbbbb!!! Bumalik ka dito!!!! Anakkkkkk!!!" ang sigaw ko habang nag kakadarapa sa pag takbo. Ito ang ikalawang beses na nangyari ito pero ngayon ay parang hindi na ito isang panaginip!
"Tob!! Anakk!" ang sigaw ko habang tumatakbo. Pakiwari ay naulit nanaman ang pangyayari noon gabing kinuha si Tob sa aking panaginip!
Palayo ng palayo ang imaheng nakikita ko ngunit sapat ang aking lakas upang habulin ito. Hawak hawak ng lalaki ang kamay ni Tob at katulad sa larawan ay naka harap sila patungo sa bundok ng Hiraya.
Patuloy ang aking ginagawang pag takbo hanggang sa laking gulat ko nag biglang biglang maging dagat ang aking harapan at mula dito ay may tumatawid na malaking barko. Isang bukirin ito kaya't imposibleng maging isang dagat bagamat nakaka kilabot ang aking nasaksihan ay hindi pa rin ako nantinag. "Isang ilusyon! Pinag lalaruan lamang ng engkanto ang aking paningin! Hindi totoo ang lahat ito!! Hinde!!!!" sigaw ko sa aking sarili at muli kong ipinag patuloy ang pag habol kay Tob at sa kanyang kasama.
Alam kong hindi totoo ang dagat ngunit noong tumapak ang aking mga paa dito ay nabasa ito at kasabay noon ang pag hampas ng isang malaking alon sa aking katawan dahilan para tangayin ako nito palayo mula sa aking kinatatayuan. Palalim ang tubig at ilang saglit lang ay wala na akong buhanging matapakan. Hindi ito totoo ngunit bakit ako ay kinakapos ng pag hinga? Ang lamig ng hangin at tubig ay nanunuot sa aking kalamanan na nag bibigay ng pinag halong kilabot at pangamba sa aking pag katao.
Noong mga sandaling iyon ay hindi ko na inisip pa ang aking sarili. Mas nangingibabaw sa aking isipan ang iligtas ang aking anak mula sa kamay ng nilalang na nag nanais kuhanin nito kaya naman kahit malakas ang alon ay pinilit ko pa ring lumangoy bagamat hindi ko alam kung ano ang maaaring maganap pag katapos nito.
Kawag dito, kawag doon ang aking ginawa hanggang sa tuluyan pulikatin ang aking binti at kasabay nito ang isang malakas na hampas ng tubig na siyang nag tulak sa akin palubog sa pinaka ilalim ng dagat. Wala akong nagawa kundi ang ibukas na lamang ng mata habang nakatunghay sa liwanag ng buwan na siya nag sisilbing aking tanglaw.
Marahang lumulubog ang aking katawan sa kailaliman ng tubig at kasabay nito ang pag kapatid ng aking hininga. Pilit kong inaabot ang itaas ngunit tila nang hina ang aking katawan at wala na akong lakas para gumalaw pa. Wala akong nagawa kundi ang ipikit ang aking mga mata at isuko na lamang ang lahat sa bathala
Tahimik..
Maya maya ay naramdaman kong may umabot ng aking kamay at mabilis akong iniahon nito mula sa pag kakalubog. Kasabay nito ang isang malakas na sampal na siyang lumanding sa aking mukha. "Gising Leo!! Gumising ka!!!!" ang sigaw nito. Boses ni Ibarra ang aking narinig.
Halos habulin ko ang aking pag hinga noong sandaling imulat ko ang aking mata. "Nasaan si Tob? Kinuha niya si Tob!!! Kinuha nya ang anak kooo!!" ang bungad ko noong masilayan ko ang mukha ni Ibarra.
"Leo huminahon ka.. Kanina ay naabutan kitang umaasta na parang nalulunod bagamat nandito ka lang naman at naka higa sa damuhan. Nilalason ng engkanto ang iyong isipan, ang lahat ng iyon ay nangyayari lamang sa iyong isip ngunit delikado at maaari mong ikamatay ito. Kung nanais ng engkanto na wakasan mo ang iyong buhay ay madali nila itong magagawa. Sana ay hindi ka agad agad kumakagat sa mga bitag nila." sermon nito.
"Bitag? Tangina.. Kinuha nya ang anak ko!! Kitang kita ng dalawang mata ko tol.. Nag lalakad sila palayo sa akin!!" ang galit ko ring sagot
"Bitag lamang ito. Si Tob ay nandoon iyong silid at mahimbing na natutulog. Noong dumaan ako kanina dun ay wala kana sa iyong higaan kaya naman hinanap kita agad. Ang iyong nakita ay gawa lamang ng kalaban. Marahil ay nais niyang wakasan ang iyong buhay upang makuha nya si Tob ng walang kahirap hirap." ang wika ni Ibarra habang iaalalayan ako sa pag tayo.
Nasa ganoong posisyon kami ng bigla na lamang gumalaw ang lupa at kasabay nito ang pag labas ng maraming elepanteng patungo sa aming kinalalagyan. "Ano naman iyan? Bakit nag karoon ng elepante dito?!" ang sigaw ko na hindi maitago ang matinding takot. "Ilusyon lamang ang iyan. Lahat ay kanyang gawin ng engkanto. Kung nais nyang mag palipad ng eroplano sa bukid o kaya ay mag bagsak ng bomba dito sa ating kinatatayuan ay magagawa niya. Hindi imposible ang daan daang elepanteng iyan." ang wika ni Ibarra sabay luhod at mabilis na humawak ito sa damuhan.
"Tumakbo na tayo. Bakit ngayon mo pa naisipang mag dasal?" ang sigaw ko.
"Uto, hindi ako nag dadasal. Ang isang mahika ay matatalo lamang ng isa pang mahika." ang wika nito at maya maya ay unti unting lumago ang mga berdeng d**o sa aming paligid. Ang mga ito ay naging malalaking kawayan na siyang nag silbing harang namin mula sa mga hayop na parating.
Nag salpukan ang mga elepante at harang na kawayan. Daig ko pa ang nanonood ng pelikula sa sine dahil sa tindi ng mga effects. Maingay ang paligid dahil sa iyak mga elepanteng natutuhog sa mga tumutubong kawayan. At maya maya unti unting nag laho ang mga ito at tila walang nangyari sa paligid. "Nakita mo na, mahika lamang ang mga ito ngunit maaari tayong masaktan o masugatan." wika ni Ibarra.
"Kung gayon ay umalis na tayo dito bago pa tayo mapahamak."
"Hindi tayo basta basta makaka alis tol, mukhang hindi biro ang kalaban natin ngayong gabi."
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko naman.
"Ang pwersang ito ay maitim at nakaka kilabot.. Hindi ito galing sa bundok ng Hiraya.." sagot ni Ibarra.
"Kung gayon ay mas makapangyarihan ito?" muli kong tanong.
"Oo Leo.. At palagay ko ay nandito siya ngayon." tugon nito.
Tahimik ulit..
Maya maya ay nakita akong imahe ng isang lalaking naka suot ng kulay puting tuxedo na parang si agent x44 na lumalakad patungo sa amin. Matangkad ito, kapansin pansin ang mahabang buhok na pinunggos lamang sa likuran, ang matalim na mga mata, matangos ang ilong nito at maliit na labi. Katulad ni Ibarra ay mukha rin itong artista sa telebisyon at sa aking palagay hindi ito gagawa ng masama dahil sa kanyang kaaya ayang anyo."Hindi ako mag kamali.. Si Ivo nga.. Ang pinaka masamang engkanto sa ilalim ng lupa. Ang mabuti pa ay dito ka lamang sa aking likuran at huwag kang aalis.." bulong ni Ibarra sabay tayo sa aking harapan at ikinubli niya ako para protektahan.
"Anong masamang hangin ang nag dala saiyo dito Ivo?" tanong ni Ibarra habang naka harap sa kanyang kinalalagyan.
"Nag papahangin lamang ako Ibarra. Ikinagagalak ko makita kang muli. Ang akala ko ay napaslang na kita doon sa bundok noong huli tayong mag laban. Ilang buhay mayroon ang isang Engkataong katulad mo? O baka naman talaga swerte ka lamang kaya't nakakaligtas ka?" naka ngiting tanong ni Ivo.
"Nag alala ka ba sa akin? O baka naman naiinis ka lamang dahil hindi mo ako nagawang paslangin?" naka ngising tanong din ni Ibarra.
"Hindi naman ikaw ang balak ko paslangin kundi ang dayuhan sa iyong likuran. Ewan ko nga ba kung ano ang pumasok diyan sa isipan mo para ipag tanggol ang mababang uri ng nilalang na iyan na walang ginawa kundi sirain ang ating mga tahanan. Nakakaperwisyo sila daig pa ang mga anay." tugon nito.
"Ako ba ang pinag uusap ninyo? Kung ganyon ang lalaking iyan at ang lalaki doon sa batis kung saan mo ako iniligtas ay iisa lamang?" bulong ko kay Ibarra. "Oo tol, paiba iba ang anyo nitong si Ivo, daig pa niya ang isang hunyango sa panlilinlang ng kapwa." ang sagot ni Ibarra na sinasadyang iparinig sa katangguli ang kanyang mga sinasabi.
Mas mabuti na sigurong maging isang hunyango kaysa naman maging isang engkantong itinatakwil ng lahat dahil sa pagiging mababang uri. Tanggapin mo na kasi na ikaw ay produkto lamang ng pag kakamali, ng pag nanasa at kalibugan ng iyong mga magulang. Alam kong naguguluhan ka kung saan ka lulugar dahil ikaw ay kalahating tao at kalahating engkanto lamang. Ngunit kung isusuko mo sakin ang iyong kapangyarihan ay tiyak na mamumuhay ka ng normal. Hindi bat iyon naman ang gusto mo?" tanong nito na may halong pang iinsulto.
"Wala akong isusukong kahit ano. Lalo na sayo Ivo. Isa kang peke at mag nanakaw! Tapusin na natin to!!" ang sigaw ni Ibarra dahilan para mapangiting demonyo ang kalaban at mag bago ang anyo nito. Ang nilalang na nakita ko sa bintana at si Ivo ay iisa lang din dahil hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa rin ang nakaka kilabot na mukha nito.
Nag sagupaan ng dalawa, bagamat may kadiliman ang paligid ay maayos ko pa rin nakikitang ang mga pangyayari. Pambihira ang kakayahan ni Ibarra dahil ang mga berdeng d**o sa paligid ay nag mistulang sibat na lumilipad sa ere. Sumasayaw ang mga ito na animo patalim. Sa kabilang banda si Ivo naman ay may pakpak na amino demonyo at sa bawat kampay ng kanyang malaking pakpak ay nag lalabas ito ng kakaibang liwanag na tila nag liliyab na bato at para itong kometa bumabagsak mula sa langit na siyang lumilikha ng mga pag sabog.
Napanga-nga na lamang ako at napatitig sa nagaganap na labanan ng dalawang makapangyarihang engkanto. Halos hindi makapaniwala ang aking dalawang mata sa mga eksenang nasasaksihan kaya naman halos mapako na ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko na alintana kung mabagsakan ako ng nag liliyab na bato o kaya ay mahiwa ng sumasayaw na d**o, pakiwari ko tuloy ay nasa loob ng isang epikong pelikula na maaring ihanay sa mga Lord of the rings, Harry potter o Narnia.
"Leo! Lumayo ka dito! Delikado!!!" sigaw ni Ibarra habang sinasangga ang atake ng katunggali kaya naman agad akong natauhan at nag tatakbo palayo sa kanilang kinalalagyan.
Habang nasa ganoong posisyon ako ay laking gulat ko ng biglang tumilapon ang katawan ni Ibarra sa aking likuran dahilan para kapwa kami sumadsad sa lupa. "Ang pag tatanggol mo sa mga walang kwentang tao ang mag papahamak sa iyo Ibarra. Bakit hindi ka na lamang sumama sa akin at maging alalay ko?" wika ni Ivo habang lumalakad palapit sa amin.
"Pwe!! Patayin mo nalang ako, mas tanggap ko pa iyon kaysa maging kasangkapan mo. Gago!!" sagot ni Ibarra habang tumatayo.Dito ko napansin na puro sugat na pala ang katawan nito, wala rin siyang pang itaas na damit dahil nasunog na sa tindi ng pag ulan ng nag babagong bato. Ang kanyang kamao ay lapnos at halos duguan na rin ang kanyang likuran. Sandaling minuto lamang silang ng palitan ng atake ngunit sa tingin ko ay dehado si Ibarra dito.
Habang nasa ganoong pag iisip ako ay isang mahinang bulong ang narinig ko mula kay Ibarra. "Leo, susubukan ko siyang pigilan.. Tumakas kana habang may pag kakataon pa."
"Tumakas? Paano ka? Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama."
"Huwag na matigas ang ulo mo. Kapwa tayo mapapahamak kapag hindi mo ako sinunod."
"Pero paano ka? Hindi ko magagawa ang nais mong mangyari. Hindi kita iiwang mag isa dito, hindi kakayanin ng konsensiya ko ang gagawin mo."
"Huwag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko. Paki usap sundin mo ako." ang seryosong salita nito kaya naman mabilis akong tumayo at inalalayan ito na kanya namang ikinagulat. "Anong ginagawa mo? Tumakbo kana!!" galit na salita nito.
"Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama. At kung inaakala mong natatakot ako sa lalaking iyan ay nag kakamali ka. Ito ay laban ko rin kaya't hayaan mo akong ipag tanggol ang aking sarili." tugon ko.
"Gung gong ka talaga! Tsk! Tigas ng ulo mo." bulong ni Ibarra habang napapailing ito.
"Oo nga naman Ibarra, bakit hindi mo bigyan ng tiyansa si Leo na maipag tanggol ang kanyang sarili? Kung tutuusin nga ay panggulo ka lang naman talaga dito dahil si Leo talaga ang pakay ko. Nais ko siyang turuan ng leksyon dahil masyado na syang maraming nalalaman tungkol sa ating mga engkanto." wika ni Ivo.
"Si Leo ay isang mortal, ano ang laban niya sa saiyo? Pabayaan mo siyang mabuhay at huwag mo siyang guluhin pa. Lubayan mo sila ng kanyang anak." tugon ni Ibarra.
"Hindi maaari ang gusto mo Ibarra dahil naka guhit na sa kapalaran ni Leo ang kanyang kamatayan. At iyon ay itinakda ngayong gabi." ang wika ni Ivo at laking gulat ko ng biglang umangat ang aking katawan at mapunta sa kanyang harapan na parang isang magnet.
"Itigil mo iyan Ivo!! Huwag mong gawin iyan!!!" ang sigaw naman ni Ibarra at nag kakandarapa ito sa pag takbo sa aming kinalalagyan nito sa tuwing tatangkain niyang lumapit ay bigla titilapon ang katawan nito na parang may nag tutulak sa kanya palayo. "Nag lagay ako ng espesyal na harang sa aming paligid upang hindi ka maka istorbo Ibarra. Ayokong gambalain mo ang pag gawad ko ng isang sumpa dito kay Leo." ang nakangising salita nito.
Tahimik..
Maya maya ay lumapit ang mukha ni Ivo sa akin at laking gulat ko noong halikan niya ako sa labi. Nag pumilit ako pumiglas ngunit mahigpit ang pag kakapakit nito sa aking katawan. Ngayon ay mag kasugpong ang aming mga nguso at kasabay noon ang pag liwanag ng kanyang mga mata.
Tuloy pa rin ang pag wawala ni Ibarra sa labas ng harang. Samantalang ako naman ay nanghina at marahang bumagsak sa lupa..
Mas lalong nag dilim ang paligid at wala akong makita kundi ang purong kadiliman..
Wala na akong natandaan pa..
itutuloy..